Balik sa Binubon pero this time hindi na si Timothy ang kasama ko kundi mga foreigner from Naga and Daet.
Ang mga Naga people, Carl with Banie, Jang and Manay at ang mga Daet people naman ay sila Junette, Jim, Boya at Gf ni Boya samantalang ang mga Libmanenos ay kaming tatlo nila Jonathan at Ian.
Nag antay kami ng hanggang 10am sa San Isidro para sa mga taga Naga dahil nakaka hiya mang aminin ay na una saamin ang mga taga Daet sa pag punta sa meeting place at dahil naka motor kami nila Jonathan at Ian ay walang problema sa transportation. Sumakay ang limang girls sa tora-tora na nag hahalagang P200.00at ang dalawa naman ay sa Door to Door na P20.00 ang isa.
Na-una kaming nakarating nila Athan sa Binubon dahil nga naka single kami. Inantay namin sila sa Entrance ng papunta sa Binubon subalit hindi sila dumaan at pagbalik ko ay nandun na sila dahil sa shortcut pala sila ibinaba nila kuya.
Nag rent kami ng Lamesa at mga upuan for P100.00 at P5.00 ang entrance. P155.00 lang ang gastos namin all in all sa resort at pwede din dung mag pa luto kung sakaling kulang ang inyong bigas na dala.
Nagluto kami nila athan at ian ng inasal na liempo at porkchop kaya naka kain kami ng bandang 1:00pm na. Naligo muna kami ng kaunting oras at sinimulan na ang inuman. Bandang 4:00pm na namin na ubos ang 2ng litro ng Empe Lights. Naligo kami hanggang 5:00pm upang hindi magabihan ng masyado sa daan.
Ilang oras lang nang pag-aantay ay nakasakay na rin ang mga taga Naga at Daet.
Enjoy pero medyo bitin.
SALAMAT po sa mga taga Daet at Naga na bumisita sa uulitin po!
SINO SASAMA SA SUNOD?
No comments:
Post a Comment