Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, June 9, 2013

CSG11-12 FAMILY goes to Haciendas de Naga


Pagkatapos ng halos dalawang buwan ng pag pa-plano dahil busy ang mga tao ay na i schedule na rin ang Summer Reunion ng CSG11-12 Family. Hindi ko naman ine-expect na sasama ang lahat dahil alam kong mga busy na silang tao hindi tulad ng mga tambay diyan sa kanto at nag lalaskwatcha lang boung summer.

9:00am daw at sa Plaza Rizal ang meeting place pero hindi naman ako naniwala na oras na yun dahil may alam akong equation> (Oras ng pagkikita + Oras ng Late = Oras ng nagkita-kita) eg. 9:00am + 1hour = 10:00am.


Sa wakas! Eto na kami't magkakasama. At dahil hindi dumatin o dumaan man lamang ang shuttle van na inaantay namin dahil ayon sa Haciendas de Naga ay meron daw dadaan doon sa Plaza ay napilitan nalang kaming sumakay sa biyaheng San Felipe at dagdagang nalang ang bayad. 

Pang aning pala ang Haciendas dahil dalawa ang gate niya. Kung pupunta kayo sa golf course at coolwaves ay sa rightside na gate kayo pumasok at magbabayad kayo ng P300.00each pero consumable naman daw ang binayad mo at per stab ay nagkaka halaga ng P50.00. P.S. may corkage fee po pala ng additional na P50.00/head kung may bitbit kayong sariling baon.

Walang awang pinunit ni ate ang mga stab na nagkakahalagang P250.00 na entrance para sa COOLWAVES. Dahil wala akong pera ay yung may mga trabaho ng kasama namin ang nag ka asikaso at parang magic na nakapag order na ng lunch at meron pang cottage (wola! great magician).

Naglunch kami sa Bob Marlin na nasa harapan lang ng pool (Literally).

Sa wakas! Swimming time na! Na una na kami nila Kuya Je, Kuya Roe, Ate Kaye at Ken na magtampisaw habang meron pang alon dahil bigla-bigla nalang mawawala ang alon at pag may narinig na kayong ungol ng barko ay darating na naman ang alon.

Medyo sad nga lang dahil 5ft lang daw ang pool at hindi talga siya cool dahil maligamgam ang tubig pero ang wave ay totoo. Nag pipicture taking pa kasi ang iba sa taas kaya kami na muna ang nag susulit sa aming binayaran na tubig. Dumating muli ang alon at halos lahat na nag tampisaw except sa mga nag mamake-upan naming mga beautiful girls na kasama.

Naglaro kami ng habul habulan sa tubig at pagkatapos ay gumawa kami ng lakas amats na video.
clcik the image for the video! (baka hindi niyo friend si kuya je kaya hindi niyo makikita)
After maligo around 5:00pm ay umalis na kami sa coolwaves at nag tungo sa isang side ng Haciendas na kung saan ay makikita ang mga nag lalakihang statwa at iba't ibang libangan tulad ng zipline, wall climbing, fishing etc. kaya nag picture taking ulit as usual dahil natutuwa kaming lahat sa camera eh.

Around 6:00 na kami nakrating sa centro dahil sa kulitan at nag tungo pa sila sa Mcdo subalit hindi na ako sumama dahil uuwi pa ako ng Libmanan at dahil nga last day na ng summer ay pina ulanan pa ako ng napakalakas na ulan habang nasa topload ako ng jeep kaya talagang na sulit ko ang last day ng summer.



SINO SASAMA?
HACIENDAS DE NAGA SITE 

For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...