Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, February 28, 2016

Come home to Earl's

EARL'S FOOD HOUSE
"The place may look old and odd but the foods are delicious and affordable"
HOW TO GET THERE: 
  • From Daet Centro ride a tricycle going to Bagasbas.P10.00.
    • You can ask the driver to drop you directly at Earls
  • You can walk along inns, bars and stores.
    • Earl's Place looks old outside and they have a signage hanging at the door.

Sa ilang beses kong pag bisita sa Daet ay merong isang food house lang ako nag ki crave ng burger! Sa EARL'S CHEESE BURGER! sa halagang P57.00 kailangan mong ilista ang pangalan mo baka makalimutan mo (for me). 
PSALM '91 MENU: 

Dahil kasama ko ang aking bestcousin ay mag fofodtrip naman kami... It's down to not-so-hot-wings, burger with fries, iced tea, lamban.og lychee flavor and kropek. Dahil busiog pa kami kanina at hindi pa ganon ka-gutom! Tara! (Sorry sa picture kasi takam kami at wala akong art of photography)
ATTACK
Nasa 2nd floor kami ng Earl's kasi mas ma presko at makikita mo din ang dagat. Pwede din pong uminom dito gaya ng Lambanog na sineserve nila. 

Anong masasabi ko sa foodtrip na ito? 
Earl's Burger -Original Recipe ang Patty ng burgers nila at para sa akin! Saktong sakto ang timpla at may special taste ito na hindi lang basta karne!
Not-so-Chicken-hot-Wings -Talagang totoo na not so hot pero para sa hindi gaano malakas sa anghang eh hot wings na ito. Sarap din ng wings na ito. 
Lambanog Lychee Flavor -Kahit walang juice eh pwedeng pwedeng mag inuman kasi talagang lychee na lychee at meron kapang 3 piraso ng lychee na nakababad.

Sabi ko nga na medyo luma na at hindi kagandahan ang place pero kung sakaling magawi ka sa Bagasbas eh talagang a must try mag food trp dito! 

"The place may look old and odd but the foods are delicious and affordable"



Gusto mong malaman ang pinaggagawa namin sa Daet?


For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

Tuesday, December 15, 2015

PERI HAPPY: Kumain sa Labas



HOW TO GET THERE: 
  • Ride a tricycle going to Del Pilar, Dayangdang. (P8.00)
    • Near at Rodbredo's house at corner Bulusan and Del Pilar Street in Dayangdang.

Isa sa mga nakatagong resto sa Naga ay ang PERI HAPPY sa Del Pilar, Dayangdang. Kung gustong mag date under the star at kumain sa labas (literal) ay sumugod na sa PERI HAPPY. Lahat ng menu nila ay grilled at Grilled Chicken naman ang specialty nila. Swak na Swak na tambayan ng tropa!

Bumisita kami ni Bibi ng gabi para mag dinner at dahil wala sa mood mag manok ay triny namin ang Pork BBQ meal nila na P45.00 at pwede ng Java o BBQ Rice.
Sakto ang BBQ nila sa lasa pero ang BBQ rice ay medyo kulang sa pagkalasa ng BBQ.

The Best Part is ang PERI SAUCE nila, Hindi ko ma-explain pero parang ang sarap-sarap ilagay sa BBQ at rice kahit hindi ko malaman ang lasa. Original Recipe Oil siya ng Peri Happy at talagang nakaka Happy dahil may spicy din na swak na swak sa panlasang Bikolano. Nakapag order pa nga kami ng tig isang Java at BBQ rice sa sarap ng BBQ nila.

From P30.00 - P100.00 ay siguradong mabubusog kana!
Ganda ng ambiance lalo pa kung hindi umuulan pero may table and chairs naman sa loob sadyang mas maganda lang kumain sa labas.



SINO SASAMA? FOOD TRIP TAYO! 
Babalik kami dito to try their BEST SELLER PERI CHICKEN MEAL! 


One of the Best Place to hang-out with Friends sa Naga if you're looking for one of a kind dine-out (nasa labas ang table eh) experience. 

CLICK FOR PERI HAPPY in FB

For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

Saturday, November 7, 2015

Kitchen Everywhere: The New Kinalas in Town


KITCHEN EVERYWHERE
Foodtrip with DYD Family 
(Arjay, Ian, Aife, Jimloe, Acee and Me)
(c) Kitchen Everywhere
HOW TO GET THERE: 
  • Ride a tricycle going to Caceres St., Mayon Avenue. (P8.00)
    • Right Side Street when Facing the Naga City Monterssori 

Here's a map to help you from KE FB Page.
(Click to enlarge photo)

Napadpad kami sa KITCHEN EVERYWHERE for dinner. Marami silang Lutong-Bahay na sa P30.00 mo eh sulit na sulit sa dami at sa lasa.

Binanatan ko ang KINALAS since best seller daw nila ito and alam naman natin na one of the BEST FOOD IN BICOL ito.

REGULAR KINALAS (chicharon)- P25.00
SPECIAL KINALAS (chicharon & egg)- P35.00

Since matagal tagal narin akong kumakain ng Kinalas and ito talaga ang favorite breakfast ko ay nalasahan ko na rin halos lahat ng Kinalas house sa Naga. Masasabi kong mailalagay ko ito sa Top 3 or 4 ng aking Top Kinalas List sa Naga City. Kahit nagmamahalan na ang kinalas sa Naga ay P25.00 ito at may chicharon pa na hindi mo makikita sa ibang regular kinalas. Karneng-karne ang lasa ng sarsa na saktong sakto sa timpla. Kahalo ang paborito nating Kalas ay kasama ang malambot na malambot na noodles na bibihira sa karamihang Kinalas.

Hindi lang foods ang maganda dito. Kasi relax na relax ang ambiance dito at the best pa ang customer service!



TARA! FOODTRIP PA TAYO!
THE KINALAS QUEST SOON...

 For more info about Kitchen Everywhere


For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

Friday, March 28, 2014

TAKLOBO SA GATA

Hindi ko nga alam ang word na yan tapos kakainin ko pa? HAHAHAHA! Para sa mga katulad kong kulang sa kaalaman sa salitang iyan ay, Ang Taklobo ay isang lamang dagat subalit hindi po isang uri ng isda kundi isang uri ng sea shell. Ang taklobo po ay ang isang giant clam na kayang makapag produced ng isang perlas at ang paghuli o pagkain nito ay labag sa batas subalit pag pasensyahan niyo na po ako dahil inihanda ito sa mesa kaya aking tinikman. 
http://cristeenquezon.blogspot.com/2010/11/taklobo.html
Hindi ko kadalasang matatagpuan ang Taklobo dahil kailangan mo pang sisirin ang ka ilaliman ng dagat upang maka kuha ng isang piraso nito. KAYA KAKAININ NATIN TO' DAHIL MINSAN LANG!!!



MASARAP!!! Kahit ngayon palang ako nakalasa nito ay pinapak ko ka agad. Ayun sa nagluto nito ay dalawang beses ito pinakaluan ng tubig. Una para matanggal sa shell at pangalawa para malinisan. Simple lang daw gumawa nito dahil pagkatapos pakuluan ay idagdag ang gata at timplahin ang lasa tsaka dagdagan ng sili. (bicolano talaga)

Simple ang pagkakaluto subalit masarap na masarap ang lasa. Parang pusit kapag ka nginuya subalit mas malambot lang ng kaunti. Ibang klase ang lasa, parang manok na isda ang aking natikman.

KUNG MAYROONG IBANG KLASENG LUTO AY ATING TITIKMAN!

SINO SASAMA SA FOODTRIP?

FOR THE WHOLE TRIP>>>> CLICK HERE

FOR MORE PHOTOS>>>> CLICK HERE


Monday, May 6, 2013

SILI, MALUNGGAY, TINUTONG & BAILEYS ICE CREAM(?)


Tingnan palang ang mga tig iisang scoop ng ice cream na'to ay nakakagigil na lalo pa kaya kong titikman ko na. Since last visit ko dito ay isa na ito sa mga target ko kaso nakalimutan ko dahil sa change of plans kaya ito na ang pagkakataon. Kasama ko ngayon si Doc. Jenny Young at ang Bespren kong si Agnes. Gusto ko ng tikman ang SILI ICE CREAM na matagal ng ipinapangako sakin ni Bespren pero syempre gusto ko din i-try yung iba.


Near the Escalator at the Front Gate

Sa First Colonial Grill, Gaisano Mall kami nag order ng iba't ibang trip ng ice cream. Sili, Malunggay, Tinutong and Baileys Ice Cream ang inorder namin. Sa halagang P79.00 ay may 3 scoops kana ng iba't ibang flavor na gusto mo at pwede rin namang isang flavor lang. Inorder ng pinsan ko ay ang Sili, Tinutong at Baileys dahil ang sabi ni Bespren ay ang tinutong daw ang pinaka masarap na ice cream sa menu.

Sili, Baileys and Tinutong


Sabi ni Doc ay ang Baileys Ice Cream ay para lang din namang Vanilla at tama siya dahil nung tinikman ko ay vanillang vanila ang lasa niya pero mafifeel mo yung breathe mo na may alcohol  for almost 2 seconds.

Ang Malunggay Ice cream naman ay suprisingly lasang Mallugay nag hahalo ang lasa ng gulay at tamis at the same time pero parang ma wiweirduhan kayo dahil sa kakaibang lasa nito. Pero sa mga vegetarian ay heaven ang ganitong lasa.

Tinutong na Ice Cream ang pinka bet ko sa lahat! Kakaiba ang lasa niya dahil nga sa sarap ng tinutong na bigas na may halong gatas lalo pa at ice cream na ito kaya hindi matatawaran ang lasa nito.

at dahil Bikolano... SILI ICE CREAM for the finale! Im not expecting too much sa sorbetes na ito talagang gusto ko lang siyang tikman dahil nga weird stuff sa kadahilanang maanghang na malamig. Sa unang tikim mo ay parang ordinaryong Ice Cream lang siya pero sa oras na lunukin mo na ito mararamdaman mo na ang sabit ng anghang sa lalamunan mo at sabi nila ay pati sa dila pero hindi ko na feel sa dila siguro sadyang mataas lang ang tolerance ko. Mapapa inum ka ng tubig dahil nga lamig ng pagsabit ng Ice Cream na ito.

Hindi ka malulugi sa Deal ng 1st Colonial Grill dahil sa P79.00 ay matitikman mo na ang tatlong flavors ng Ice Cream from Bicol.

Agnes, Ate Jenny & Malone



CHACHARAP

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...