Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Wednesday, February 26, 2014

Little Tagaytay sa Sipocot!!!

Dahil nasa Bicol na ako at medyo natatagalan sa pag antay  ng Graduation this March ay mas nanaisin kong mapagod kaka-alis ng bahay kesa naman ma bulok at amagin na ng tuluyan.

Ako ay napag-utusan ng aking tiyahin na pumunta sa Libmanan-Cabusao-Sipocot upang kumalap ng kaunting detalye upang makatulong sa kanilang proyekto na kasalukuyan din naming pinagtutulung-tulungan.
Matapos ang maghapong pag drive ng motor ay nakarating din ako sa Sipocot mula Cabusao dahil sa daan na babagtasin ang Barcelonita after ng 30mins ride ay nakarating na rin ako sa Sipocot at dahil hindi ko gaano kabisado ang lugar ay kumanan nalang ako bigla at natagpuan ko ang CBSUA na paaralan ng aking susunduing pinsan na si Ms. Ma. Micah P. Offemaria.

Sumama sa'kin ang aking magandang pinsan at nag meryenda muna kami bago pumunta sa Little Tagaytay. Matatagpuan ito sa  Impig, Sipocot, Camarines Sur na along the way lang kung dadaan ka sa Sipocot-Cabusao Road.

AYUN!!! Nandito na kami at syempre... may PAALALA ang may-ari (Medyo i zoom niyo nalang)





at dahil meron pang 100 Steps ay sisimulan na natin ang paglalakad.



hindi ko alam kung kasali to...

MAG INGAT PO SA MGA DANGER ZONE at BAKA SA LANGIT MAKARATING!!!
Lahat ng Zone dito ay danger pa kasi wala pa siyang sapat na bakod
NOTE: Bago palang po ang place kaya heto palang po ang mga hawakan ng hagdan...
hidi po yung view. yung hawakan po! 


After niyong maka akyat ay ito agad ang bubungad sainyo...


Libre po ang pag-akyat kaya ma ienjoy mo din ang masarap na ihip ng hangin at ang view ng bukurin. SURPRISINGLY! (big word) Mayroong Cottages, CR, Tindahan at VIDEOKE sa tuktuk kaya talagang makakapag enjoy kayo habang nasa taas ng bundok. How much ang cottage? Mayroong P100 hanggang P150.00 at ang Videoke pala ay paunahan na maka kuha ng cottage na meron. Medyo may patong nga lang ang mga tinda nila. syempre nasa bundok ka kaya! Mayroon din silang VIEWING AREA at maraming Danger Zone.

According to Kuya Caretaker hanggang 10pm lang daw sila pero kung may makiki-usap ay pwede naman daw tawaran pa ang oras.

Under Construction pa ang LITTLE TAGAYTAY na ito kaya marami pa tayong dapat abangan sa ganda ng Sipocot.
SOON...

KULITAN ng MAGPINSAN...

w/ my MAKULIT and Magandang PINSAN, Micah!

KAUNTING PASILIP... (Puntahan nalang natin para ma experience niyo din)


 for more PHOTOS>>>> CLICK HERE


SINO SASAMA?

Like SINO SASAMA's FACEBOOK PAGE>>> SINO SASAMA?


MAGBABAKASYON NA! TARA! 

Contact me! 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...