Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Wednesday, March 26, 2014

Tinandayagan Falls


Sa natatagong lugar sa Palong, Libmanan ay matatagpuan ang isang waterfalls na tinatawag na Tinandayagan. Ano nga ba ang storya sa likod ng pangalan nito? well, hindi ko din alam kaya wag na nating paki-alamanan ang pangalan nito at diretso tayo sa kwento!

Matatagpuan ang Tinandayagan Falls sa maliit na barangay ng Palong, well sa ibang hindi nakaka-alam along the high way po ang papasok at malapit lang siya sa GK Libmanan.



TAKE NOTE: Medyo sa unang bahagi ng daan ay hindi pa gaano ka-ayos ang daan kaya wag masyadong mabilis kung hindi kabisado ang daan.



Siguro mga 10 minutes na biyahe ay mararating niyo na ang barangay ng Palong kahit first time niyo ay sundan niyo lang ang natatanging daan mula sa highway hanggang Palong at sa dulo ay makikita niyo ang medyo sikat na Falls (dahil na sali na sa MAG TV na ORAGON).


Sa kasalukuyan ay ginagawa pa lamang ang isang resort na mayroong 3 swimming pool at magandang mga cottages at function area. Magbubukas daw ang resort na ito sa darating na ikalawang linggo ng Abril. May Parking area, tindahan at higit sa lahat tubig dito. Sa resort na lang ang tanging daan papunta sa Falls at sa iba pang mga cottages para sa mga nag titipid.


DONT WORRY! P100 lang naman ang renta sa Cottage at P5.00 naman ang Entrance. Afordable na mag eenjoy kapa dahil mayroong Videoke sa ibang cottages.

Mayroong maraming swimming spot ang nasabing falls dahil hinukay at inayos ang lugar upang maging paliguan.

Natural ang lamig ng tubig at walang problema ang lalim dahil hindi masyadong kalaliman ang boung paliguan at kung may batang kasama ay doon lang sa hindi malalim subalit mas makakabuti kung hindi hahayaan ang mga bata na mag isa.




Sa Tinandayagan Falls ay pwedeng pumasok sa likod ng bumabagsak na tubig at para ka na ding nasa kweba minus the maliwanag part. Pwede ring umakyat sa taas ng falls upang hawiin ang tubig o kaya'y harangan ang tubig sa pagbagsak subalit DELIKADO! (Dont try that at home dahil wala namang falls sa bahay niyo)

Kompleto rekados sa resort na ito dahil mayroong malinis na CR, bihisan, paliguan, tindahan etc.

BISITAHIN NATIN ANG LIBMANAN! Huwag kalimutang pumunta sa TINANDAYAGAN FALLS, Palong!


TARA SAMA-SAMA TAYO!!! 


CONTACT ME!

More Photos? CLICK HERE!!! 

Updates and News!!!! CLICK HERE!!! 


SUMMER LASKWATCHA'14

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...