Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Saturday, April 5, 2014

GK Farm Resort & Restaurant


Kasama ang aking Professional Backrider na si Timothy ay tumulak kaming dalawa papunta sa sinasabi nilang bagong resort sa Libmanan. Hindi ko alam kung saan ang Sigamot pero sabi nila ay madadaanan ito kung papunta ka ng Sipocot mula sa Naga o Libmanan. Hindi namin matancha ang layo kaya idinaan namin sa Cabusao-Sipocot route. Si Backrider muna ang nagdrive dahil wala gaanong gumagamit ng daan na ito.

Matapos ang halos 30 minutes na byahe ay narating din namin ang Brgy. Sigamot na medyo malapit lang pala sa San Isidro, Libmanan. Makikita agad ang resort dahil sa malaking tarpaulin na nakakatawag ng pasin. Kung papunta kang Maynila ay nasa right side mo ito V.V.

Imposible namang hindi nyo makita ang tarpaulin na yan, kaya makukuha niyo talaga ang Bagong resort na ito. May Parking Space naman para sa may mga sasakyan, ipwesto lang ng tama at baka batuhin kayo ng buko ng mga nakatambay na Niyog sa paligid. 


Kahit po pala may makita kayong listahan ng bayarin sa harap ay magbabayad kayo sa may pool na dahil nandoun po ang nagbabantay. Listahan ng entrance at cottage...

   

Well huwag po kayong pumasok sa daan na ito dahil mapupunta kayo sa kweba. Kaya doon na po sa bagong daan bumaba at dahil kakabukas lang ng resort na ito ay hindi pa gaano kaganda ang hagdan pababa.
Sigamot.. BOTENG CAVE. Isa sa 100% Virgin Cave sa Libmanan. Well, Madilim po masyado dito kahit medyo maliit lang ang Kweba.

DELIKADO PO at ayon sa management ay mas makabubuting HUWAG NG PUNTAHAN.
 Mapunta na nga sa Pool na running water dahil galing sa bukal ang tubig.


Ang tubig niya ay parang tubig na matatagpuan sa Engkanto Falls dahil hindi gaanong kalamigan subalit preskong presko kaya masarap paliguan. Naka-usap ko ang Management ng Resort para makakuha ng kaunting impormasyon tungkol sa bagong bukas na resort.


Under Construction pa ang cottage at syempre dinivelop pa masyado ang lugar dahil kaka open lang po nila noong Febraury 2014. Ayon kay Sir Joshua Gomez ay under construction na ang idadagdag nilang Cottages at magpapagawa sila ng Lodging Services para sa mga mag oovernight at worth P1,000.00 lang ang pag rent sa Function Area for the whole day. 
P1,000 for whole day rent
Under Construction for your convenience
Ayon pa kay sir Joshua Gomez ay Hiring sila ngayon para sa SOON to OPEN Restaurant sa harap ng kanilang Resort. Para po sa mga interesadong mag apply ay maari syang ma contact sa number na 09198129360

AT HETO NA... PINAKA HIHINTAY na sandali... TARA! Ating sulitin ang preskong tubig at ganda ng resort na ito. btw, may inuman at videoke rin po pala dito...


Bandang 4:00pm na kami umalis ni Timothy sa resort dahil nawili kaming makipag kwentohan sa may-ari ng resort at maligo sa pool. Meron din palang pang bata na pool sa Resort na ito at malalim ang pool kaya sulit ang pag kampay at paglangoy sa pool na ito.

SWAK! Sulit ang entrance! Uwian mode.


FOR MORE PHOTOS CLICK HERE GUYS!! 

FOR NEWS AND INFO'S CLICK HERE!!! 


TARA! LASKWATCHA MODE TAYO! HIHI :)
 SULITIN ANG SUMMER GUYS

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...