Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Tuesday, April 9, 2013

April 1, 2013 (Unang Pasabog ngayong Summer)

Tapos na ang Holy Week at kailangan na naming sulitin ang huling araw ng aking pinsang si Doc. Jenny kaya napag-isipan naming mag swimming nalang. Meron pa pala akong Cast sa kamay! Pero syempre hindi ako magpapa pigil sa kasiyahan!!!

DESTINATION... PASACAO, CAMARINES SUR




8:00 ng umaga sinundo ako ng aking mga KASAMA na sila Uncle Coling, Mamang, Mama Ding, Aunty
Pearl, Doc. Nene, Ate Led, Micah, Alex, Gemar, Zed, Kathleen, Baby GJ and Marvy. After ng 1 hour na byahe ay nakarating na kami sa DARUANAK BEACH RESORT ang lagi naming pinupuntahang resort sa Pasacao.

Pag dating sa Resort ay nag rent kami ng Cottage for P300.00 kasama na ang entrance at ang balnaw dahil nga suki na kami dito pero ang rate ata nila ay P5.00/head at P15.00 naman kung overnight. May isa pang medyo malaking cottage na 500 daw ang rent.
                   

Gusto namin sa Resort na ito dahil makikita niyo ang DARUANAK ISLAND at hindi gaanong matao. Pwede kang maka punta sa Isla Daruanak sakay ng bangka na sa panahong iyun ay P20.00/each na at minimum ng sampo ang dapat sumakay dahil noon arkila lang talga ito. Makakapag libot kana sa Daruanak at baba kayo doon sa isla na kung saan ay puting puti ang mga bato at napaka linis ng tubig na kung saan makikita mo ang napaka gandang mga bato sa ilalim ng tubig. Dahil pumunta kami doon upang mag swimming lang at ilang beses na kaming pabalik balik sa islang iyon ay ignored namin si Kuya Bangkero.





Hindi nag tagal ay sumunod narin ang aking pinsan na si Kuya Geo at kaibigan nitong si Angelo.

Ganda ng panahon ng pagdating namin sa beach syempre tampisaw agad sa tubig kaso napakasakit ng init sa  balat pero syempre hindi magpapatalo ang fighting spirit ng aking mga kapatid kaya kahit tirik na tirik ang araw ay nasa tubig parin ito. Hindi nag tagal ay kumain kami ng merienda na akala namin ay pananghalian na dahil sa panahon. Di nag tagal ay kumain na din kami ng tanghalian... Adobo, Hipon at Kanin ang aming kinain habang naka kamay at dahil sa init ng panahon at dumaan si Kuyang Sorbetero ay ICE CREAM TIME!!! Syempre Sponsor ng aming Uncle at Aunty
Kahit may semento ako sa kamay ay hindi ako mag papahuli sa kasiyahan kaya pati ako ay lumangoy narin pero syempre with style sakin! HAHAHAHA






Bandang alas dos ng hapon ng bilang bumagsak ang napakalakas na ulan pero syempre mas maganda mag swimming pag umuulan though hindi ko maeejoy dahil hindi pwede mabasa ang cast ko... Kaya habang nag eenjoy sila ay naka isip ako ng napaka BRIGHT IDEA!!!
 PAYONG!!! May Fun Saver for the day!!


Akalain mo nga naman nakapag pa picture pako sa underwater cam! HAHAHA 


Umuwi kami ng bandang 5:00 ng hapon at medyo malakas parin ang ulan subalit ang truck na sinasakyan namin ay iyong closed truck kaya hindi namin inalintana ang ulan. Nasa bandang Mambulo na kami ay biglang pumutok ang gulong ng sinasakyan ni Kuya Geo na motor kaya napilitan kaming ipasok ito sa loob at woala! kumasya ito at sabay-sabay na kaming umuwi sa Libmanan.

SILA ANG KASAMA KO!!!
KAYA IKAW????

SAMA KANA!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...