Ang sumusunod na mababasa niyo ay tungkol sa sarili ko na dapat hindi ko naman dapat i-share at tungkol sa pagkasabog ng utak ko.
Sino po ba ang gustong sumama sa'kin? actually nag hahanap lang ako ng financier... joke! Nagtatanong ako kasi baka gusto niyong sumama sakin hindi naman po ako na ngangagat ng tao, tamang foodtrip lang.
Sino nga ba ang Feeling Close na Malone na'to at may gana pang mangyaya sa pag byahe-byahe niya? Well, John Malone O. Sarcia po ang aking kompleto at tunay na pangalan, mahilig po akong kumain lalo na ng Burger Yum ng Jollibee, ako po ay isang studyante na nag aaral sa Universidad de Sta. Isabel at kumukuha ng kurso na BSFSIM, ako po ay masiyahin at medyo may tama ang ulo to be honest at higit sa lahat hanggang masaya ako buhay ako.
Since ngayon ko lang napag tantuhan na dapat pala ay ilagay ko sa Blog ang mga trip and experiences ko upang kahit papano ay maka tulong ako sa iba pang mga laskwatchero. Dahil ako ay di' hamak na studyante lamang, ang pag byahe ko ay abot kaya lang at sinisigurado kong sinusulit ko ang bawat hakbang na ginagawa ko. Kahit bata paman ako ay masasabi kong laskwatchero nako at hindi ako nalalagi sa bahay kung may pera ako sinisigurado kong ang aking bawat araw ay bago at nai-iba sa ibang petsa ng kalendaryo ko. Marami-rami na rin akong napuntahan noon at sigurado kong hindi ko na'yon ilalagay sa blog ko dahil sinimulan ko nga ito ngayong 18 nako para medyo legal naman (hindi lang po ako mukhang 18 pero promise! 18 palang talaga ako ngayong 2013).
At uunahan ko na kayo since wala akong sariling camera kahit Digi-Cam lang ay medyo late ang mga post ko pero promise I'll make sure na ilalagay ko lahat ng new experience ko at syempre yung mga sumama sa byahe ko! :3
Sana ay mag enjoy kayo sa blog kong ito at samahan niyo ko kung kailan at kung saan man ako papunta! promise i mamaximize natin ang gastos natin! :3
2013 Summer Vacation nagsisimula na!!!
TARA! SAMA NA!
2013 Summer Vacation nagsisimula na!!!
TARA! SAMA NA!
Kahit may Semento ang kamay ko! GO Padin! TARA SAMA NA! |
No comments:
Post a Comment