Bandang 1:30 na kami nag simulang lumakad papuntang Hoyop-Hoyopan Cave. Sumakay kami ng byahen Daraga sa halagang P8.00/head at sa byahe ay nadaan namin ang Bicol University at ang Camp Ola na madalas kong napupuntahan dahil lagi akong sinasama ng aking ama sa tuwing pupunta siyang Legazpi. Mainit na mainit ang panahon subalit hindi ko ininda dahil alam ko na sa oras na nakasakay na kami ng jeep at byumahe na ay mararamdaman ko na ang preskong hangin ng Legazpi. Nag antay kami ng 5 minuto upang maka sakay papuntang Camalig na akala ko'y malapit lang ay malayo pala at halos 15minutes ang byahe at P15.00 each. Dahil pareho kaming walang alam kung paano pumunta doon ay nag sabi nalang ako kay kuya na ibaba nalang kami sa byahe papuntang Hoyop-Hoyopan cave.
Kinontrata kami ni Kuya ng P250.00 daw at arkilado na namin siya at handa siyang mag antay ng boung hapon. Namahalan naman ako at tinanong ko kung meron pa bang ibang choices, sa halagang P100.00 ay arkilado namin siya dahil lima ang sakay ng tricycle niya at P20.00/head ang pamase papunta lang doon at pwede ring mag jeep na P20.00 rin at mag aantay padaw dahil punuan ang alis ng jeep at maglalakad paraw na para sa aking ay ayos lang sana kung hindi kami gipit sa oras. Kinuha ko na yung 1 way papuntang Cave at itatancha ko nalang kung anung mas mabuti para sa trip namin. Naintindihan ko na kung bakit mahal ang pamasahe papunta sa aming distenasyon dahil sa bukod sa layo nito sa kabihasnan ay taas at baba ang byahe pero sulit din dahil masyadong ma presko ang daan. halos kalahating oras din ang byahe kaya mahaba habang laban sa antok ang aking kinaharap. Sabi ni kuya ay kung meron daw sasakyan ay mahal daw ang Parking Fee doon dahil ginawa naraw iyong negosyo ng mga naninirahan malapit sa kweba.
May mga paalis na turista kaming naabutan sa entrance. Sa halagang P20.00/head ay pwede kanang maka pasok sa kweba providing na may ilaw ka dahil naka off ang ilaw doon kung hindi ang P300.00 package deal nila ang kukunin niyo. Sa halagang P300 ay meron ng ilaw, facts and info, tour guide at libreng entrance kahit ilan kayong tropa na pupunta. Syempre dahil safety first ang dapat i consider ay kinuha ko na yong 300 package.
Ang Hoyop-Hoyopan daw ay galing sa salitang Hoyop na ang ibig sabihin ay ihip sa Filipino. Maririnig mo na parang may umiihip sa kweba dahil sa hangin. Good choice ang pag kuha ko sa package dahil na iimagine ko ang dilim kung walang ilaw at bukod sa hindi ako makikita baka madapa ang aking kasama na medyo hindi gumagana ang isip (joke lang). Dapat pala dito ay gumaganang maiigi ang iyong imahinasyon para ma appreciate mo ang stalagmite at stalactite formation. Dahil ayaw kong magkwento masyado kung anong meron dito ay hindi ko talga ikwekwento! kaunting picture lang para ma inganyo kayong pumunta at syempre dapat kasama ako! Napakaraming formation at may apat palang pinto ang Hoyop-Hoyopan Cave pero ang Door 2 ang pinaka gusto ko dahil para kang nasa tapat ng Aircon dahil sa lamig at lakas ng hangin.
Sample ng mga makikita at ma eexperience niyo! Syempre mas maganda kung kayo mismo ang pupunta! KASAMA AKO!
Syempre yung CAVE nga pinuntahan eh! Dapat may Picture din |
Kayo na ang mag husga! HAHAHA |
Bats! and tinatawag yang Holy Trinity dahil dun sa 3ng hole! |
Ang Sikat na DANCE FLOOR na gingawa daw noong panahon ni Marcos! YOU CAN'T STOP the PARTY PEOPLE! |
Sinamahan ko yung bespren ko sa place of Origin Niya! HAHAHA |
Bago umuwi ay bumisita kami sa Daraga Church na inakyat pa namin at masyadong nahirapan si Bespren pero ako, Chillax na chillax lang. Inabutan namin na merong nag papainting para sa new wall decoration ng simbahan.
Kaunting pahinga at picture2 ay bumabaa na kami at naisipan kong mag meryenda dahil alam kung gutom na gutom na ang aking kasama. Syempre!! JOLLIBEE!! at humingi ako ng paper bag mula sa jollibee dahil ako ay masyadong na ignorant dahil naka papaer bag na sila.
Kain-kain din sa Jollibee with may PABORIT! BURGER YUM! |
Kulitan habang pabalik ng Legazpi |
bandang alas singko na kami naka balik sa Legazpi at dahil kailangan ko ng umuwi, nag ayos lang ako at tumungo na kami sa Bus Terminal upang maabotan ko pa ang last trip. Kaunting minutong pag paalam sa aking Bespren ay sumakay nadin ako at magagabihan na naman siya pauwi. Akalain niyo yun P130.00 lang ang pamasahe sa Bus papuntang Naga subalit nag tagal ng 2:30 hours ang byahe ko pero sulit naman dahil bukod sa Aircon na parang exhaust dahil mainit ang nilalabas at comfortable chair ang para sa 3ng tao ay nagiging apat. Na realize ko na kung aircon bus ay mag van nalang.
Mapresko, malinis at masaya sa Albay dahil hindi pa dominated ng Buildings ang lugar at balance na balance ang nature.
Meron paraw ATV ride doon at sa sunod ay sana ma experience ko na ang other activity doon.
SALAMAT sa Sponsor kong si Doc. Jenny Young at kay Tita na pumayag na mag stay ako sa kanila at syempre sa aking mga KASAMA... To Agnes Abelinde my Bespren, Cecile, Vane, Eila, Tin at Angelie.
Kung gusto niyong pumunta sa Albay kasama ako! Contact me! Hindi lang laughtrip, roadtrip at kahit na anong trip ang ma eexperience niyo! Anu pa! SAMA NA!