Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Monday, April 29, 2013

Nabua and Masuso,Iriga City: Fiesta and Ice-Cold Swimming (April 25-26)



Maaga akong nagising at dahil nga binigyan ako ni mother ng pamasahe ay natuloy ako papuntang Nabua. Sakto sa call time ng aking mga kasama ang dating ko sa CBD Bus Terminal at sa katunayan ay ako ang pa ang na una. Bandang 10:30 na kami naka alis sa Naga patungong Nabua at dahil ang akala ko ay dadaan ang biyaheng Iriga sa Nabua ay doon kami sumakay. Mula Naga ay kasama ko na si Carl, Kuya Rj, Sena at Ate Biancs at nag aabang nalang sa Highway sina Kayla, Faye at Suzette.


Sa Iriga kami bumaba dahil ang sabi ni kuya konduktor ay ililipat daw kami ng sakayan at deretso Nabua na daw iyon. Nag-antay kami sa Iriga City Terminal at walang duda na nakaka steam ang Bus na nilipatan namin at dahil na inip si Kuya Rj ay nakipag kontrata nalang ito sa isang trycicle driver na sinabing P20.00 daw kada isa ang pag hatid niya sa Nabua at nang kinukuha namin ang pamasahe namin sa nilipatang Bus na P5.00 lang pala at a scam ang apat na kasabay naming binata dahil P45.00 lang daw ang binigay ng konduktor galing sa na unang bus.

Pag dating namin sa Nabua ay saktong sakto ang panahon dahil hindi gaanong mainit subalit pag akyat namin sa bahay nila Jang ay biglang umulan. Malayo padaw sa centro ang pupuntahan naming fiestahan kaya mag aarkila nalang daw kami ng multicab papunta doon. Nakontrata namin ang sasakyan sa halagang P15.00 ang isa ay binayaran ni Jang sa halagang P180.00 dahil kasama na namin si Badet at dalawang highschool friend nila.

Pagpasok sa lugar ay kagaya ng stereotype na fiestahan ang makikita sa daan, Mga makukulay na bandiritas, masasayang batang nag lalaro, mga pila-pilang sasakyan, ingay ng videoke at masasaysang tugtugan kasabay ng tawanan ng tao. Pagdating namin sa bahay nila Jang ay sinalubong kami ng mga batang nagsasaya at mga nag uusap na mag pipipinsan sa terrace. Nag mano kami sa mga madadaanang medyo may edad na at sa kaunting saglit lang ay nagsikuhaan na kami ng plato.

Lechon na may baklas na likod ang unang nakita ko sa gitna ng mesa, manok na putol putol, tilapia at pata ang mga handa. Inuna ko ang manok dahil tinatancha ko ang highblood ko. Dahil hindi nakatiis ay kumaha din ako ng balat at karne ng baboy. Nilabasan kami ni Jang ng isang litrong Emperador Lights pampalipas oras lang dahil masyado pang maaga para sa pagpuntang swimming. Pagkatapos namin ay inantay ulit namin ang aming mga ibabaun dahil nagluluto daw ang tiyahin niya ng palabok. Nagpaalam kami bandang 6:00pm sa bahay nila at tumulak dahil uuwi daw si Faye at Kuya Rj ng Naga. Nag bayad kami ng P8.00 sa tricycle papuntang Nabua.
papuntang Nabua
10-15 minutes na biyahe ay nakarating na kami sa Centro ng Nabua at walang kuryente sa bahay nila Jang at nag aantay na saamin si Guido na kakarating lang dahil siya ay sumunod lang. Nagpahinga at nag ayos lang kami at tumulak narin papuntang Iriga dahil baka wala na raw sasakyan. Siguro last trip na ng multicab ang nasakyan namin at nagbayad kami ng ___ papuntang Iriga. Bumaba kami sa Plaza ng Iriga at sumakay ng trycicle papauntang Masuso, Iriga. Nagbayad kami ng P10.00 kada isa papunta sa resort at para saakin ay lugi si kuya sa bayad pero sa dami namin ay nakabawi siya.

Nalaman kong 4 na pool pala meron ang Masuso at sa iba't ibang dimension makikita ang mga ito. Ang pool 1 at 2 ay ang pinakamalapit at sa pool 1 daw ang pinaka malalim at sinilip ko ng panandalian ang dalawang pool at dahil sa dami ng tao ay lumipat kami sa pool 3 take note na hindi dahil takot kami sa tao kundi sa ingay ng videoke at nag iinumang mga lalake. Malayo layo rin ang Pool 3 at 4 dahil dadaanan mo pa ang basketball court na sa pagdaan namin ay may naglalaro ng intercolor.

Walang tao sa gate kaya pumasok nalang kami at biglang lumitaw si kuya na ipinakita saamin ang pool. Dahil walang tao at walang nakaka itirang boses ay doon nalang kami pumwesto. Sa halagang P300.00 ay may cottage na medium na kayo at may malaking cottage pa sa taas na halagang P500.00. Ang entrance ay P75.00 ang overnight at P45.00 naman kung hindi. Maganda ang resort at malinis, merong 24hours na tindahan, videoke at malinis ang shower room pati ang C.R.


Malamig na malamig ang tubig at naaaliw ako dahil ang ilalim ng pool ay buhangin at maliliit na bato ang maapakan mo at meron pang mini pool para sa bata at ang mas nakaka amaze ay running water ang pool na ito. Magandang maganda ang buwan sa gabing iyon kaya dagdag mood pa para sa aming mga mag kakatropa at meron palang surprise na darating na walking tourist spot! BUTANDING!




Nagsaya at nag-inuman kami hanggang 4:00am at dahil sa lamig ng tubig ay ang hirap ng bumalik sa tubig kung natuyo kana sa taas. Naka tulog ako habang may kausap sa telepono at ginising ako ng tropa dahil gusto na raw nilang matulog dahil hindi na nila kaya ang lamig at antok. Maagang maaga kami umalis sa resort at pumunta sa bahay nila Badette. Pinagluto kami ng agahan ng nanay niya at natulog kami hanggang 9:00am at nag kulitan na hanggang sa 12:00nn dahil babalik pa kami sa bahay nila Jang dahil doon na kami sasakay. Bumalik kami sa Nabua sakay ng multicab na makikita sa terminal at bandang 2:00pm na kami nakasakay pauwing Naga.

 KAUNTING PAGIIKOT SA NABUA...



For more photos: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.342139252575711.1073741834.336386316484338&type=1

For my schedules and other infos: www.facebook.com/kwentonglaskwatchanimalonesarcia

Watch out for my schedules.
SAMA KA, SILA at TAYO sa sunod!!!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...