- From Naga City ride a bus (CBD II) bound to Goa/Lagonoy and drop off at Tigaon Centro. (P58.00)
- Ride a trycicle going to Sagnay Centro. (P10)
- Ride a habal-habal or tricycle going to Nato or ask the driver if he can go directly to Pier one39. (P10/P15)
TAKE NOTE:
- You can choose different beach resorts along the Nato Beach.
After 24 hours of Tropa Meeting, this After-Enrollment-Swimming-Celebration is totally happening since we need to prepare for the last year of our College Life.
It took as almost 2:00pm to finally prep-up for our trip since we need to enroll first ourselves in the morning. We cooked 2 kilos of rice and patak-patak for the canned goods, junk foods and beverages (alcoholic and non-alcoholic) since we need to minimize our expenses. Sama-sama kami nila Jang, Suzette, Monica, Kuya Arjay, Carl, Kayla papa alis ng Bus Station sakay ng bus papauntang Lagonoy at ang pamasahe ay P47.00 lang ang studyante. Dinaan nalang namin sa Pili sila Guido at Jessan dahil doon na sila nag antay. Mabilis na mabilis ang biyahe namin dahil parang natatae ang driver.
Bumaba kami sa Tigaon at dahil natunugan ni kuya konduktor na papunta kaming Sagnay ay sa tricycle terminal papuntang Sagnay niya kami binaba. Pinagkasya namin ang aming sarili sa Tricycle at dahil gabi na ay ma ingat ang maneho ni kuya. Sa halagang P20.00 each ay hinatid kami ni kuya na para saakin ay hindi naman ka rekla-reklamo. Nag pa picture muna kami kay kuya sa entrance ng Pier one39. Kinuha ko ang number ni kuya upang mag pasundo bukas ng umaga.
P50.00 talaga dapat ang entrance doon subalit naging P40.00 dahil sa araw na yun ay walang swimming pool dahil nilinisan daw akaya inavail namin yung cottage sa may seaside na P600.00 ang overnight. Pwedeng humiram ng pitsel at iiwan niyo lang ang isang valid I.D sa bar. Halos kompleto ang inumin sa bar dahil may mix din at may softdrinks.
Sumunod si Acee at Cherry dahil taga duon naman sila kaya nag pahatid nalang sila. Kumain at Uminum kami hanggang umaga na at nilasap ko ang buhangin at maalat na tubig upang masulit ang binayaran kong halos mag P500.00 na.
Maganda ang panahon ng sumunod na umaga. Medyo madumi nga lang ang C.R at may amoy at ang tubig na gagamitin niyo sa pag paligo ay tubig dagat din na kahit sa biyahe ay parang nasa tabing dagat din kayo.
Nag pasundo na kami kay kuya bandang 7:00 na umaga at parehong bayad lang din naman at hinatid niya na kami sa sakayan ng bus papuntang Naga.
SINO SASAMA SA SUNOD NA LASKWATCHA?
No comments:
Post a Comment