Nag antay kami ni Abi sa kanto hanggang sa dumating na sila at sakay-sakay ng Jeep nila ay si Tito Jun, Ate Jen, Ate Len, Kuya Ton, Kuya Ivan at Gerick. Dumaan muna kami sa isa nilang pinsan sa Carolina at tiningnan ni Tito ang makina kung ano ng nangyayari dahil nahihirapan na ang jeep papaakyat. btw. naki sabit lang kami ki Ate Len dito.
Pagkatapos ng paghihirap ng Jeep ay kami naman ang magpapahirap paakyat. Nagsimula kaming tumulak na medyo may ambon subalit hindi naman malakas. Malamig ang simoy ng hangin at mabuti nga't kakaunti lang ang aming bitbit.
Mga Bitbit |
Ma-ulap na Mt. Isarog |
Bandang kalagitnaan ay pagod na si Ate Jen at nahihirapan na siyang umakyat habang ako naman ay may nararamdamang pagka pulikat dahil sa pag akyat namin ni Timothy kahapon sa Pinagmulan Falls.
Sa wakas pagkatapos ng mahaba-habang lakaran ay heto na kami at isang grupo lang ang naabutan namin doon at swerte pang hindi sila maliligo.
Nagsitalunan, Tawanan at dahil nga nasabi ko ng Malamig na malamig ang tubig roon at dagdag pa ang klima ay umahon na ang pinsan ni Bespren dahil hindi niya na raw kaya ang lamig.
Inenjoy namin ang tubig hanggang hapon at swerte namin dahil hindi tinau ang Malabsay Falls tanging ang kalaban ay ang lamig ng klima.
Sumama lang naman saakin si Abi dahil gusto niyang mag photo shoot at hindi dahil upang maligo at kahit siya ay nilamig.
RUSH padaw yan sabi ni Mr. Gabriel Peredo |
Bandang 3:00pm ay bumaba na rin kami dahil nilamig na lahat ng aking kasama. Tumigil muna kami sa Lola ni Bespren na nagpakain ng Rice Cake, Biniribid at Palamig. Bumaba na kami at tulog na tulog si Abi habang nasa biyahe at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin kami sapagkat pagabi na at umuulan ulan pa.
KAHIT TALAGA ILANG BESES KANG BUMALIK AY MAY BAGO AT ENJOY PARIN!
SAMA KANAMAN SA SUNOD HUH!!!
TARA SAMA NA!!!
For more Photos: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.347401642049472.1073741838.336386316484338&type=1
No comments:
Post a Comment