Kahit kasal ng aming mahal na kaibigang si Archie ay hindi ko parin napigilan ang aking mga paa sa pag laskwatcha. Bandang 1pm ng matapos kaming kumain sa reception at dahil alam naming busy si Archie ay nag pasya nalang kaming mag swimming dahil sa mga dayong kasama namin. Tig isang motor kaming gamit ni Athan dahil ang motor ni Archie ay aming minotornap. 2pm na kami naka alis ng Libmanan dahil sa malas ni Jonathan at ni Erwin. 5 lang kaming magkakasama, Si Acee, May Ann, Jonathan at ERWIN GALANG na tubong Nueva Ecija.
Bandang 2:30 na kami nakarating sa papasok ng Engkanto Falls. Dahil sa alanganing panahon ay walang ibang taong naliligo sa resort na sumisingil ng P5.00 Entrance. Pinaasa ako ni Kuya dahil sakanyang katagang "Baka igwang(merong) tubig". Malayo-layo palang ay naiiyak nako dahil hindi ko naririnig ang ingay ng nahuhulog na tubig na ang ibig sabihin ay wala talagang tubig ulit ang falls.
Hindi namin hinayaang matalo kami ng lungkot kaya bumalik kami sa resort at in-enjoy ang malamig at preskong tubig na galing sa taas ng bundok.
4:30pm na kami umalis sa Engkanto at bumalik sa bahay upang makapag bulnaw at dahil nga ang swerte ni Pareng Athan at pareng Erwin ay medyo inulan kami sa daan papauwi.
Mahal na mahal ako ng mga engkato kaya hindi nila akong hinayaang mabasa ng tubig galing sa talon.
MARAMING SALAMAT SA PAG BISITA PARENG ERWIN!
SA UULITIN!
Ipa plano ko na ulit ang CONSOCEP
More Photos: CLICK HERE!
SINO SASAMA?
LASKWATCHA PO TAYO! TARA!
No comments:
Post a Comment