Ang walang tiyak na planong pag swimming sa Pasacao after ng retreat ay natuloy subalit sa Pechilitos bumagsak ang mga studyanteng nag hahanggad lang makapag relax at sulitin ang araw na walang pasok.
Una naming tiningnan ang Swimming Pool sa may Concepcion sa kanto ng may coca-cola company subalit hanggang 12:00am lang sila at medyo maliit ang swimming pool para sa aming lahat.
Nag plano at nagluto sa bahay nila kuya Arjay bandang 6:00pm at hanggang 9:00pm ay andun kami sa kanila dahil medyo hindi naman gaanong natagalan ang pagpunta ng aming mga kasama. Ayan marami na ang sasama consisting of: Kayla,Jang,Acee,Jessan,Jessa,Sena,Suzette,Junette,Carl,Jolino,Guido,Chino at Kuya Arjay
All set na ang tropa para pumuntang Kayumanggi Resort na matatagpuan sa Pacol, Naga. Nag arkila kami ng tricycle dahil wala ng biyaheng jeep papunta sa Pacol. P20.00 ang bawat isa at dahil 13 kami ay dalawang tricycle ang aming inarkila. Napaka SWERTE namin dahil WALANG TUBIG sa swimming pool ng Kayumanggi at dahil maasyado kaming laskwatchero ay naisipan naming pumunta nalang sa Pechilitos Place na matatagpuan sa Mariner' Village na mayroong shorcut sa Cokeville at nag dagdag kami ng P10.00 sa aming pamasahe.
Malayo at merong mga humps na bigla bigla nalang sumusulpot at dahil professional ang aming mga driver ay nakikita nila ito agad agad pwera lang sa isang humps na bigla nalang nahulog mula sa langit! Kaya ayun na tagtag ang aming mga pagod at low moral na utak.
Pag dating namin sa Pechilitos ay sinalubong agad kami ng mga mababait at mga gwapong bantay at bigla kaming namangha sa isang artistahing ate na kumausap at sumingil ng entrance.
May corckage pala dito na para sa mga Hard ay P80.00 at kung beer naman ay P20.00 at dahil magagaling kaming mag sales talk ay napakiusapan namin si ate na kalimutan nalang ang nakitang mga inumin at ang entrance ay P150.00 ay naging P120.00 dahil sa ganda at sexy niya.
Pumwesto kami sa libreng mga upuan at mesa at sinimulan ang kainan dahil napagod sa biyahe at mga pangyayari. Adobong manok na niluto ni Chef Jolino at masarap na rice na luto naman ni Chef Guido ang aming ininitan para sa dinner. Pagkatapos kumain ay naligo at uminomm hanggang umaga dahil gustong sulitin ang binayad na P120.00 para sa entrance.
Maganda at malinis ang C.R., Magandang view ng lugar at 3 swimming pool na may pang bata at matanda, hindi gaanong kalaliman ang pool na para sa matanda subalit ma eenjoy mo ang tubig dahil meron kang mga friends na handa kang lunurin at pag tripan. Hindi na naka sunod si Kuya Arjay dahil sa emergency sa bahay nila (sad).
Hindi ko na alam ang mga sumunod na ngyari dahil kaming dalawa nalang ni Pareng Ginebra ang nag usap hanggang 4am kaya nalaman ko nalang na ako nalang ang naka higa at ineenjoy ang upuan. Bandang 9am na ata kami naka uwi at dahil sa mga ininum kong alcohol ay sagad ang hang over at swerte ko pa dahil walang kuryente sa Naga!
More Photos? CLICH HERE!
Pechilitos Site: CLICK HERE
BALIK TAYO SA PECHILITOS!!!
The Best ang mga Staff at ang lugar!
SINO SASAMA?
No comments:
Post a Comment