Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Monday, March 31, 2014

Isla Aguirangan at Kinahulugan Falls

 
Dahil bakasyon na at nasakto sa ka-arawan ng aking butihing laskwatcherang tropa na si Suzette Milante, kami ay nagtungo sa malayong lugar ng Lagonoy, Partido. Sakay ng Florencia BusLine na isa sa natatanging byahe na papasok ng Lagonoy ay halos gabi na kami nakarating dahil dagdag oras ng byahe ang traffic sa Pili. Magkakasama kami nila Ac, Guido, Sena, Junette, Jim, Carl at syempre ng birthday girl, Suzette.


Kwento ko muna ang ka-inan at masayang pamilya ni Suzette, Dumating kami bandang 8pm na kaya kumain kami ng todo at nakita ko ang isang pagkaing bago sa aking paningin... Ano kaya ito? Para malaman mo ay CLICK HERE!!!. Pagkatapos ng masayang kainan ay napasubo kami sa isang Aurora na dumaan sa harap ng kanilang bahay at nag udyok sa aking sumama at dahil kasama ako ay nakisabay na rin ang tropa. 



 at after ng masaya at nakakapagod na araw ay kami ay nahiga at natulog ng sama-sama (Literally)

UMAGA NA! DESTINATION: AGUIRANGAN and KINAHULUGAN FALLS!

Agahan muna at ayos ng gamit... Syempre, Videoke muna.. birit with Guido and AC...


TARA!!! BYAHE MODE! 

After 45 mins ay nakarating na kami. Take Note: Hindi po kami galing sa Sabang Port o kung saan na port galing lang po kami sa barangay nila Suzette.

AGUIRANGAN


Hindi parin po nagbabago ang presyo ng Entrance at Cottage dito kahit pa marami ng mga cottages sa loob at mas gumanda ang paligid dahil nawala na ang higanteng mukha ng politiko sa lugar.

ENTRANCE: P25/head
COTTAGE: P350

Magandang Panahon na pumunta dito ay tirik ang araw dahil mas magandang maligo sa beach kapag mainit at hindi ma-alon tuwing tag-araw. Kung ayaw umitim ay siguraduhing ibalot ang boung katawan at maglagay ng matinding sun block. Take Note po... BAWAL PO ANG MAG SINDE NG APOY SA BUHANGIN kung gustong malapit sa cottage ay maglagay muna ng  bato. My CR na po pala sa isla kaya hindi na natin kailangan ng plastic at magtiis.

REMINDERs: 
1.DALHIN lang ng mga kailangan tulad ng Tubig, Pagkain etc dahil walang tindahan sa isla. 
2.WAG MASYADONG MA EXCITE LUMANGOY at baka LUMUTANG ka.
 

    


at dahil sunod na stop ay ang Kinahulugan Falls ay ma-aga kaming tumulak dahil medyo unti-unti ng dumidilim ang langit... matapos ang halos 15mins na byahe ay ito na...



KINAHULUGAN FALLS


at dahil galing na ako dito 3 years ago ay alam ko ang daan subalit sa mga first timer ay alam po iyan ni mamang bangkero kaya dont worry.  ENTRANCE: P5.00/head lang po at may kasama pang tutorial ng paglaba dahil maraming naglalaba sa entrance ng lugar subalit malayo naman sa Falls kaya dont worry. Mas magandang pumunta sa Falls kapag tapos na ang ilang araw na pag ulan dahil mas marami ang tubig. Mayroon din pong mga bato sa paligid kaya maraming pwedeng paglagyan ng gamit at meron din pong lugar para sa mga magbibihis na babae. 

Malinis po dito subalit mag ingat po dahil matatalim ang bato. Hindi na po ito kayang puntahan ng mga mahihina ang tuhod kaya para sa safety ay huwag na pong pilitin. Presko ang tubig subalit hindi Malamig kaya napakasarap na maligo sa Falls na ito at hindi ka magsasawa agad.

MAG INGAT PO PAPUNTA SA FALLS dahil MADULAS ang mga Bato. Huwag napo kayong gagaya sa aming mga kasama. 









 Makalipas ang ilang oras na tambay, swimming at inum ay umuwi na rin kami kahit gabi na masyado. Para po sa lahat ng mga nag co-commute tulad namin ay LAST TRIP po ng BUS mula sa LAGONOY ay 5pm at swerte nalang po kung bandang 6pm ay meron pang byahe papuntang Naga.

MARAMING SALAMAT po LAGONOY. MARAMING SALAMAT PO MILANTE's FAMILY!!! SA UULITIN

TARA! NAG SISIMULA PALANG ANG SUMMER!

LASKWATCHA TAYO!!!
SAMA SAMA!

SUMMER 2014!

FOR MORE PHOTOS>>> CLICK HERE...

FOR NEWS AND UPDATES>>> CLICK HERE

FOOD TRIP HERE!  



NAGHAHANAP po ako ng SPONSOR sa mga LASKWATCHA ko!!!! 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...