Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Friday, March 28, 2014

TAKLOBO SA GATA

Hindi ko nga alam ang word na yan tapos kakainin ko pa? HAHAHAHA! Para sa mga katulad kong kulang sa kaalaman sa salitang iyan ay, Ang Taklobo ay isang lamang dagat subalit hindi po isang uri ng isda kundi isang uri ng sea shell. Ang taklobo po ay ang isang giant clam na kayang makapag produced ng isang perlas at ang paghuli o pagkain nito ay labag sa batas subalit pag pasensyahan niyo na po ako dahil inihanda ito sa mesa kaya aking tinikman. 
http://cristeenquezon.blogspot.com/2010/11/taklobo.html
Hindi ko kadalasang matatagpuan ang Taklobo dahil kailangan mo pang sisirin ang ka ilaliman ng dagat upang maka kuha ng isang piraso nito. KAYA KAKAININ NATIN TO' DAHIL MINSAN LANG!!!



MASARAP!!! Kahit ngayon palang ako nakalasa nito ay pinapak ko ka agad. Ayun sa nagluto nito ay dalawang beses ito pinakaluan ng tubig. Una para matanggal sa shell at pangalawa para malinisan. Simple lang daw gumawa nito dahil pagkatapos pakuluan ay idagdag ang gata at timplahin ang lasa tsaka dagdagan ng sili. (bicolano talaga)

Simple ang pagkakaluto subalit masarap na masarap ang lasa. Parang pusit kapag ka nginuya subalit mas malambot lang ng kaunti. Ibang klase ang lasa, parang manok na isda ang aking natikman.

KUNG MAYROONG IBANG KLASENG LUTO AY ATING TITIKMAN!

SINO SASAMA SA FOODTRIP?

FOR THE WHOLE TRIP>>>> CLICK HERE

FOR MORE PHOTOS>>>> CLICK HERE


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...