Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, July 13, 2014

Anniversary @Bagolatao's White Pebble Beach Resort



Sa araw ng Hulyo 13, 2014 ay marka ng aming unang anniversary ng aking pinakamamahal na bibiko. Kaya syempre tulad ng nakasanyan ay kailangan naming maglaskwatcha kahit pa medyo tag-ulan na at halos lahat ng beach ay maalon. Ang aming destinasyon ay sa White Pebble Beach Resort sa Bagolatao, Minalabac, Camarines Sur, Isa sa mga tagong magagandang beach sa Pilipinas. Ikalawang balik ko na dito kaya alam ko na ang lugar at pinilit naming sakyan ang aking motor. Dahil sa medyo may kalumaan na ay tumirik ito dahil sa pataas na mga daan at hindi gaanong kaayusan pero keri lang dahil matapos ang 30minutong byahe ay naka rating din kami.


Ang aking muling pag babalik sa Bagolatao matapos ang isa't kalahating taon. NANDITO NA KAMI!!!

Ang kalmang dagat sa Bagolatao kahit pa sa ibang beach ay apektado ng habagat. Papunta na kami sa White Pebble Beach Resort isa sa pinakamagandang beach resort na napuntahan ko sa aking lahat na laskwatcha.

Medyo nagmahal lang ang singil nila sa Cottages pero siguro ay dahil hindi lang Peak Season. Ang dating P400.00 na cottage nila ay P600.00 na ngayon. Pero dahil mabait ako at madiskarte ay natawaran ko ang presyo.

CELEBRATE NA!

Natulog muna si AC dahil pagod na pagod dahil kakagaling lang duty kaya pinagpahinga ko muna siya at nang siya ay magising... Nagluto na ako ng paborito niyang Hipon.






Kainan NA! TARA! at dahil wala kaming baso ay... Gawa-Gawa din pag may time. Ang tunay na ADVENTURE!




 SWIMMING MODE NA PAGKATAPOS KUMAIN... HIHIHI

 Maganda ang ilalim ng dagat. Buti nalang at naka underwater cam kami. Ganda noh? Marami pa niyan sa unahan.

Kalmado ang tubig kaya magandang lumangoy medyo iiwasan mo nga lang ang kaunting dumi sa may parteng gilid ng mga bato. Pero ok lang kesa naman sa iba. Magandang mag swimming lalo pa't presko ang tubig dagat na ito.
 At dahil marami pa kaming dapat gawin sa Anniversary namin ay... AALIS NA KAMI. Medyo umulan pa ng bago kami umalis kaya inantay muna naming tumila ang ulan dahil delikado ang daan.





LASKWATCHA TAYO PAGKATAPOS NG ULAN AH!

TARA! LASKWATCHA!
MARAMI PA TAYONG LILIBUTIN SA BICOL
!

ONE YEAR NA PO KAMI!

for MORE ANNIVERSARY PHOTOS



 WHITE PEBBLE BEACH RESORT SITE 





No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...