1966 Meters Above Sea Level! |
MT. ISAROG/ PATAG-PATAG TRAIL
Tigaon, Camarines Sur
Tigaon, Camarines Sur
Major jump-off: Consocep Base Camp, Tigaon
LLA: 13°40' N, 123°21' E, 1966 MASL
Days required / Hours to summit: 2 days / 6-8 hours
Specs: Major climb, Difficulty 6/9, Trail class 3
LLA: 13°40' N, 123°21' E, 1966 MASL
Days required / Hours to summit: 2 days / 6-8 hours
Specs: Major climb, Difficulty 6/9, Trail class 3
Hindi ko inaasahang makakasama ako sa tukad (akyat) na ito pero ano pa nga bang magagawa... Ang Tawag ng Kalikasan, Laging Pagbigyan.
Kasama ko ang aking uragon na prof sa Kolehiyo na si Sir Roger at ang mga laskwatchero't laskwatchera na sila Kuya Drew, Ate Roz at Ate Jess na first time kong na meet sa pag-akyat na ito.
February 27 ay doon na kami natulog kila sir Roger sapagkat ang inarkilang Jeep na ihahatid kami mula Naga-Consocep (P2,000) ay doon na kami pipick-upin.
Bago pa pala ay nag pa register na sa DENR (Panganiban Drive, Naga City, Camarines Sur(054) 811 3727) si Ate Roz na nagsasaad kung sino at kung saan ang hiking. Sa halagang P200/each.
DAY 1 (February 28)
0400 ay gising na kami at handa ng umarangkada papunta sa Summit ng Mt. Isarog!
0530 na kami naka alis papunta sa Consocep o sa Jump Off Point
0700 Start na kaming umakyat! Simula palang pamatay na!
0700 Start na kaming umakyat! Simula palang pamatay na!
Simulang simula palang ay parang gusto ko nang magsimulang manisi at literally nag sisisihan na pero syempre joke lang (weh)
Kulitan habang naghihirap sa paglalakad.
0930(approx)-CAMP 1 Pahinga muna ng 15 minutes! TARA! SNACK!
1230(approx)-CAMP 2! Lunch mode! dapat 1200 talaga kami mag lalunch kaso sabi nila eh malapit na pero around 1 hour pa kami nag lakad. DITO LANG PO MERONG PWEDENG PAGKUNAN NG NA-IINOM NA TUBIG.
1415 Im on the top of the world...nanana OH YEAH! at last matapos ang maputik at mamasa-masang paghihirap ay ito na kami at nag aantay ng clearing! Sobrang Lamigz! Prames! 1966 MASL na KAMI! WORTH IT ang LAHAT! Sagad ang FOG!
1600 Palang ata ay kanya-kanya na kaming pwesto sa loob ng tent sa sobrang lamig sa labas.
1800 Dinner at napakahabang gabi ang unti-unting dumadaan sa amin habang nagpapahinga.
1800 Dinner at napakahabang gabi ang unti-unting dumadaan sa amin habang nagpapahinga.
DAY 2 (March 1)
0100 Wait! What? Parang nasisira ang Tent natin ah! HAHA. naalarma sa unti-unting pagkasira ng tent
0400-0500 Nag-aantay na ng bukang liwayway para sa Clearing at Sunrise!
0600 Eto ang view ng Sunrise at Clearing sa Summit ng Isarog!
Mas madali ang daan pababa pero parang na realize ko na parang mas delikado.
After ng CAMP 1 eh mayroong shortcut na hindi na kailangan pang dumaan sa Bamboo Tunnel pero mas matalahib nga lang at mas matarik ang daan.
Kulitan muna bago tuluyang iwan ang inakyatang bundok...
After ng CAMP 1 eh mayroong shortcut na hindi na kailangan pang dumaan sa Bamboo Tunnel pero mas matalahib nga lang at mas matarik ang daan.
Kulitan muna bago tuluyang iwan ang inakyatang bundok...
1230 Touch Down! BASE CAMP!
Maraming maraming salamat po sa aking mga nakasama! SA SUNOD ULIT!