1,140+ MASL (Kuya Nino,Mlne,Ate Kha, Ate Ghil and Tito Kools |
0500 WAKE WAKE UP... Ang pang gising ni Kuya Lord habang ng iikot sa mga tent!
OH YEAH! Walang kain-kain to! ASSUALT AGAD! I-tatry sana naming abutan ang sunrise pero we are too late...
Unti unti ng lumiliwanag ang daan at nawawala ang lamig ng hamog.
0600 (approx) Nakarating kami sa CAMPSITE! ganda pala talaga ng Spot dun.
OH YEAH! BALIK NA SA PAG-AKYAT! Aabutin kami ng tanghali eh!
Medyo mossy sa taas at maraming bonus points na wild berries sa taas kaya exciting umakyat
0730 na kami nakarating sa summit! Ang sarap talaga sa feeling... Maraming mga pole na naka tayo sa taas at sabi ni Kuya Raymark... "Maaring maging sanhi ito ng pag soil erode at unti-unting masisira ang lupa sa taas dahil sa paghukay sa lupa"
Habang nag sasaya kami ay mataimtim na nag gi-greet si Ate Ghil sa kanyang ama at natutulog naman ang dakilang si Kuya Raymark.
Hindi nga lang kami binigyan ng 360 clearing dahil kasama namin si Kuya Nino pero sulit na sulit na sa tuwing iihip ang hangin at mag papasilip ang Buhi Lake at ang Crater. Makikita rin ang pag galaw ng Fogs dahil sa biglaang ihip ng hangin.
Sad to say ay kung kami ay umakyat dapat din kaming bumaba kahit pa ang ganda-ganda sa taas.
Inulan kami ng kaunti dahil love na love kami ng Asog kaya medyo pinutikan niya ang daan!
TOUCHDOWN sa E-Camp Site! Nag aantay na ang masarap na masarap na menu ni Kuya Lord kaya sulit na sulit ang kain!Si Kuya Lord ang Chef Boy Logro ng Bundok! haha EMPAKE MODE NA! huhu. tuluyan na kaming ba-baba.
1200 BUKO MODE MUNA! hahaha. Wala ng tubig ang lahat! Kaya talagang uhaw na uhaw na kami. B-U-K-O pls...
1230 JUMP OFF na po kami! ICE Candy mode at nakipag laro ako sa ating mga kapatid na Ita ng basketbol ng kaunting oras.
Tricycle na naman pa-uwi sa bahay nila Kuya Raymark pero yung iba ay duretso pa sa sentro kahit madudungis na para bumili ng tsinelas.
Nag ayos lang ng mga sarili bago umuwi kasi nakakahiya sa mga makakatabi sa sasakyan.
UWIAN NA sa NAGA!
pamasahe po sa Van is P59.00 (Iriga-Naga VV)
MARAMING MARAMING SALAMAT PO MT. ASOG!
Maraming Salamat po Iriga CIty
Maraming Salamat po sa mga kasama ko!
SA UULITIN!!! TRAVERSE NAMAN!!!
here for more PHOTOS!!!
here for NEWS & EVENTS!!!
here for DAY 1!
Mt. Asog's Crater and E-Camp
Mt. Asog Climb,., may 1-2, 2015,.,Songname: "peponi" which means "paradise"to malone: dont worry bout being tambay bro, nakakasama ka pa samin, continue the blog thing, continue being a good person bro, and it will all fall into place,.,from the start of the video u can hear me say "haup na ido ni, rapaduhon taka kani(refering to my gopro monopod)"haha
Posted by NiƱoJad Pahug Ta Malipot on Sunday, May 3, 2015