Invited po ako ng Metro Naga Development Council para sa kanilang event na hosted by Bula Municipality na... "Sa Bula Mamuya... Musnal: a Familiarization Tour Activity to Promote the Bula Tourism and its Packages . First time ko pong makakarating sa Bula kaya talagang excited na ako na mag May 12. Invited po sa 1 day familiarization tour na ito ang iba't ibang Tour Operators sa CamSur at mga bloggers as well.
5:30 palang po ay nag-aantay na ako sa City Hall ng Naga at unti-unti ng dumating ang mga kasama sa tour. 7:00am na kami naka alis ng City Hall patungo sa Municipal Hall ng Bula na kung saan ay sasalubungin kami ni Mayor Moises Soreta at ng LGU's of Bula.
Nagkaproblema ang isang sasakyan kaya napag pasiyahan namin na sa Truck
na ng Bula sasakay upang masa makita namin ang ganda ng Lugar at syempre para
eggxiting! Hindi namin napapnsin ang init dahil sa mapreskong hangin at kulitan
sa truck.
Tumulak kami sa TAN-AWAN Park sa Bagoladio, Bula na kung saan may malaking image ni Mama Mary at
Jesus Christ na dinarayo tuwing Holy Week. Nag ikot-ikot din ako sa lugar upang
makita pa ang ibang mga imahe na nakapalibot.
Nandoun din inilagay ang Both na kung saan ipnapkita ang mga iba't ibang
produkto ng Bula kasama ang kanilang sikat na Bamboo Products. Sa loob ng
Opisina ng Mayor ay Bamboo Tiles ang kanilang gamit. Nag early snack na kami sa
baba ng masarap na masarap na Pansit at Malagkit na inihanda ng Munisipyo para
sa amin.
On the Go na para sa ITANGON BEACH na medyo malayo-layo at halos nasa
may isang oras pang byahe. Medyo hindi pa kagandahan ang daan pero may mga
piling parte na maayos na. Medyo mag doble ingat lang po sapagkat may mga blind
curve at matirik na part.
Hindi ko napansin ay nasa port na kami papuntang Itangon Island na
halos 15minutes na boat ride from the coast of Brgy. . Touch down sa
Itangon Beach Resort. Sa daan ay marami akong napansin na mga malalaking bato at titingnan
natin mamaya kung alin dun ang aking mga inakyat.
Nag ikot-ikot at kaunting pahinga mula sa byahe. Hindi po pala puro buhangin ang beach na ito kundi partly pebbles na parang Bagolatao sa Minalabac. Mainit na mainit ang mga pebbles kaya kailangan talagang mag tsinelas o kahit na anong pang sapin. Kompleto po ang resort na ito sa kung ano man ang mahahanap sa mga kadalasang beach. Cottages, Tents, Videoke, Drink, etc... Kain muna po kami.

After lunch ay sinulit ko na ang pag i-explore... Tinarget ko po ang
malalapit na rock formation at mga pwedeng akyatin at mag pa fall ay mag jump
pala.
Inakyat ko rin po itong nag iisang bato na ito na malapit pero take note
ang dami pong sea urchin at syempre may corals sa ilalim kaya swim-swim din at mahirap akyatin kaya
lakasan ng loob. Ilang minuto lang akong nag masid at tumalon na rin ako! BAM! Hahaha
tsunami!
Hindi nag tagal ay tumulak kami sa isa pang barangay sa dulo ng Bula, CAORASAN BEACH na
katabi na ng Balatan. Dito rin po matatagpuan ang fish sanctuary ng Bula na
hindi na po inabot ng aming oras.
Papa-uwi na rin po kami kasi hapon na rin at kahit nagkaproblema ay
nagawan rin ng paraan at ang babait po ng mga tao sa coastal na ito.
Nakabalik na po kami sa Munisipyo at uuwi na rin kaya medyo nag lakad-lakad pa ako sa labas ng centro. Sayang nga at hindi ko masyadong na ikot ang Town Proper.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA BULA!!!!
BABALIK PO AKO!
Maraming maraming salamat din po sa Staff ng MNDC esp. kay Sit Totoy for Inviting me!
For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

No comments:
Post a Comment