Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Monday, June 22, 2015

TUKAD: Mt. Asog (Sto. Domingo Peak and Malipot Trail) Day 2


4:30am -Oh yeah. GISING NA KAIBIGAN! Buksan ang iyong isipan at ang pag tukad ay simulan..


5:00am -OH YEAH! After ng kaunting unat-unat ay... LET'S GO SAGO! Let's Start! 

-Simula palang ay madulas na at matirik na ang daan pero kayang kaya kasi marami namang mahahawakan.

Ilang minuto ay Let's Stop to Look at the Amazing Mayon!!! Hihi. Kitang-kita po kasi ang majestic Bicolandia habang papakyat. Bonus na bonus pa ang talahib na parang walang dalang bolo ang guide namin.

*Meron din pong isa pang Camping Area na madadaanan na mas malapit sa Peak.

6:15am (approx) -OH YEAH! PEAK BABY! PEAK BABY! 
Sulitin ang peak ng Sto. Domingo! Ganda ng tambayan ng peak at ang lamig pa sa taas since hindi gaanong kagandahan ang panahon kaya FOGGY masyado! Trippings sa ilang flag na natira.




Thanks Kuya Nino ganda ng Fog! HAHAHA! 

7:30am -After ng isang oras ay bumaba na rin kami at baka abutan pa ng bagsak ng ulan.

(May mga bagay na nangyari pero hindi na dapat pang pag-usapan at i-kwento! nuh Kuys Vener? hihi)
Ayon! Dahil may nag B-day kahapon ay napilay siya at tumanda na bigla (jk lang kuys Nino) srsly... Napilay po talaga siya hanggang sa dulo ng pagdescend namin.

8:30am -Back to the Camp na kami at yun... Kaunting ayos ng gamit at bababa na.

After ng napakahabang descend... Pina ikot-ikot na trail, dalawang ahas na nagpakita, Matirik na daan at Pilay na medyo may kagwapohan ay... nakababa narin kami. Hindi na nagamit ang mga camera dahil medyo umuulan ulan na. NEW TRAIL... MALIPOT TRAIL! 


12:00nn na Pala kami nakarating sa Jump Off. LET'S KAIN NG PANCIT MAMI! Oh yeah
Pa Burpday ni Kuya Nino! Let's Eat pancit! Charap!
-Dahil may malapit na irrigation ay doon na kami mag lilinis ng gamit at mga sarili bago sumakay sa Van kasi medyo ka-awa awa naman ang aming mga makakasabay kung sakali. Medyo nga lang  mahirap lumangoy since ang hirap labanan ng hugot ng tubig sa ilalim ng tulay!

After ng makapagbihis lahat sa mahiwagang Malong ay sumakay na kami ng Van pabalik ng Naga... Pahinga Mode at abang ng next schedule.

to CONTACT OUR GUIDE

    


For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...