Wala po diyan ang Laskwatchero! |
Sa muling pagbabalik sa bundok ng Asog ay Sto. Domingo Peak naman ang aming aakyatin. Hindi gaanong inaakyat ang trail na ito sinasabeng mas mahirap kumpara sa Illian Trail. Hindi na kami naghanap ng iba pang guide dahil sa Tukadders ay meron na kami, si Kuya Lord. From June 20-21 ang itinerary kasi hapon na kami mag sisimulang umakyat papuntang Base Camp at assualt as early as 4/5am to Peak.
Nag rent si Kuya Chuck ng service papuntang Iriga na mag hahatid saamin deretso na sa Jump Off sa halagang P80.00 (Van: Naga-Iriga P60.00) at medyo nga na abuso pa namin kasi may sinundo pa kami. Kahit ma-ulan ay tumuloy parin sila Tito Kools, Kuy Nino, Kuya Chuck, Kuya Michael, Kuya Vener, Kuya Drew at ang dalawang first timer na sila Ate Pau at Ate Jamba.
3:40pm na kami nakarating sa Jump Off kasama na sila kuya Lord at ang dalawa ang kinontrata niyang Local Guide na alam ang pa sikot-sikot sa trail (ehem). Dumaan muna kami sa Inorogan Nuestra Senora de Las Angustias Chapel as requested by the guides para narin daw makapag dasal at humingi ng guidance.
Let's Start! Medyo umuulan padin po pag start namin pero okay lang yakang yaka naman! Maganda po ang trail na ito, Kahit umulan ay hindi gaanong madulas dahil sa mga damo at hindi gaanong ahon o steep ang pag akyat at syempre makahoy ang daan kaya relax na relax. Medyo nga lang mainit sa pakiramdam dahil sa singaw ng katawan at kontra ng lamig ng panahon.
Nag stop-over kami sa isang bahay upang makapag pahinga at bumili na rin kami ng mangga. Ang daming mga ibon at meron din silang ukay/ unggoy na alaga.
1800 approx Inabutan na po kami ng dilim sa daan at wala pa kami sa base camp pero malapit na rin daw at no choice na kami dahil ang lugar kung saan pwede mag e-camp ay dinaanan na namin kaya kailangan talagang pilitin. Tara! Turn the Lights on!
1840 OH YEAH! BASECAMP NA! Ang ganda pala talaga ng spot na to for overnight at 2 hours na assault daw ay peak na kami bukas! Itoo ang magandang gabi sa camp namin!
After ng lahat nag pag-aayos sa gamit at sarili... KAINAN NA! Dinner Time... at dahil triple celebration climb + Thanksgiving climb ni Tito Kools para kay Tita Liza ...
LET'S CELEBRATE!
HAPPY BIRTHDAY KUYA NINO and ATE PAU! syempre HAPPY FATHER'S DAY sa nag-iisang ama ng Tukadders, TITO KOOLS!!! (Salamat din po kay Tita Liza sa pa b-day niyang red ribbon mini cakes)
Syempre pag may birthday may inuman... Gin-erasyon!
Matapos ang kwentohan at pambihirang celebration sa bundok ay... LIGHTS OFF!
Maaga pa bukas sa pag-assault. Sana ay hindi na umulan.
to CONTACT OUR GUIDE!