Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, February 14, 2016

Rinconada: Chasing Waterfalls



Dadayuhin at tutuklasin ang ilang talon/ waterfalls sa Rinconada. Apat sana ang target namin pero sa kasamaang palad tatlo lang ang aming napuntahan. Mixed group po kami ngayon since ako at si Sir Raymark Barredo ang nag organize neto.

Antipolo Falls, Baybay Falls at ang isa sa pinakasikat sa Bicol, Itbog Falls.

7:00 am Meet Up sa Iriga City which is naging 9:00 am dahil sa tagal ng Bus.

ANTIPOLO FALLS

Tama po. Wala po siyang tubig 
HOW TO GET THERE: 
  • From BAAO ride a habal-habal (door-to-door) going to Brgy. Antipolo (if in case not available ride a tricycle going to Brgy. Pugay then ride a habal-habal going to Antipolo) P30.00
  • 15 minutes treck going to Falls. Please ask for directions or kindly hire a guide going there. No established trail.


Yes after 15 minutes of canyoonering naratin na naman ang falls na tigang na tigang (siguro dahil sa sobrang init) pero napansin ko na din na parang walang tubig kasi talagang walang tubig sa dinaanan namin eh!

OOOPPSSS! hindi po yan ang Antipolo Falls! Hihi!

Dito po ang daan papunta sa Antipolo Falls! Hihii Kaunti lang po kami umakyat since wala po siyang tubig! Tigang na Tigang! Parang Enkanto Falls ng Libmanan! Nawawalan ng tubig pag mainit.

Hindi din po bwelo maligo since mababaw lang ang paligid at kahit daw may tubig ay dikit na dikit ito sa bato kaya parang shower lang ang dating ng Antipolo Falls. Sulit naman ang treck papunta dito since talagang ma chachallenge ka sa daan at kung saan ka tatalon o kakapit na bato.

Since walang tubig eh Let' Go Na! Next destination : Tubigan Falls

Papunta na sana kami sa Tubigan Falls pero biglaang... NASIRA ANG JEEP!

Almost 30 minutes kaming ang hintay para dumating ang isang jeep sunce na delay ang schedule ay nag pasya kami ni Kuya Raymark na hindi na dumaan sa Tubigan Falls at dumeretso na sa Buhi para sa dalawang falls.

Kahit ganoon ang nanyari eh HAPPY LANG! sa Daan na kami nag lunch kasi marami rami na din daw ang nagugutom!
After kumain eh Back on the Track na!

Papunta sa dalawang Falls dito kayo mag sisimula sa Buhi port dahil mag rerent kayo ng Bangka


BAYBAY FALLS & ITBUG/TWIN FALLS

HOW TO GET THERE: 
Pwede itong i combo! kaya halos same direction lang.
  • From Buhi Centro Proper you can just walk going to Buhi Port
  • Rent a boat/bangka going to Baybay and Itbug Falls. P800-P1000.00
  • 5 min. Treck from the Brgy. port going to Falls 
    • The way is not that established but you can hire a local to guide you (P20-50)
    • or you can just ask the Bangkero/ crew of the boat to accompany you.

ON THE BOAT! 
P.S Please be Safe at all times! Try at your own risk.
30 minutes ang byahe sa bangka papunta sa Brgy. Baybay. Dito niyo lang makikita ang Basketball Court na nasa tubig. Since may mga kasama kaming kilala ang lugar eh nag on the go kami at dahil ma ulan eh sobrang potik, parang love mapapamura ka. 
After 5 mins of trecking at hero na kami sa Baybay Falls. 
 

Hindi gaanong kalakihan pero maganda at malakas ang tubig niya. May mga tambayan sa gilid ng falls at hindi gaanong kalaliman! Dito na rin nag lunch ang iba at dahil umuulan eh basang basa kami! 

Kahit po hindi gaanong kalaliman ang falls na ito ay mag ingat parin since mabato at madulas ang lugar! ENJOY! After 30 minutes of Photo-Ops at swimming ay bumalik na rin kami sa bangka papunta sa Itbug Falls. NEXT SPOT NA PO! BABYE BAYBAY (hihi)

15 minutes Boat Ride ay makakarating na sa Brgy. Itbog. medyo malayo layo ang trecking pero keri lang lalo na pag hindi umuulan! 



INSIDE AND OUTSIDE VIEW

OH YEAH. Sorry if wala akong mahanap na picture ng daungan papunta sa Itbug Falls hihi
FOR SURE ALAM NAMAN NG BANGKERO PAPUNTA DUN!
Wala din po palang picture ng paglalakad namin sa putikan papunta sa falls almost 15 minutes na treck po.

Malapit na!

AND YES! ITO NA PO ANG MAJESTIC ITBUG FALLS NG BUHI!

PICTURE PICTURE DAHIL sa wakas! Napuntahan ko na ang Falls na ito!

Wala mang jumping spot o malalim na part eh sulit na sulit naman ang place! Ang ganda sa boung paligid! Talagang basa kung basa! Ang lakas ng bagsak ng tubig! Wagas ang place!

P.S. LAGING MAG INGAT! MADULAS ANG LUGAR AT ANG DAMING BATO!

Dahil medyo alanganin na ay umuwi na kami! Pagod na pagod at umiiyak akong umuwi sapagkat mamimiss ko ang Itbug Falls! Haist.. babalik ako dito at sana ay maraming sumama parin para ma appreciate din ninyo ang ganda ng ating inang Kalikasan!

WALA NA PONG PICTURE DAHIL BUSY AKO UMIYAK PAUWI! (joke lang)

Salamat po sa lahat ng photographer na kasama ko at sa mga click lang ng click!
 esp. to my friend, Ms. Rose Regalado (She's for hire -Freelance Photographer)

SALAMAT KUYS RAYMARK!
SALAMAT SA RINCONADA!

TARA NA? 
SINO SASAMA? 


For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...