Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, February 21, 2016

Tubigan Falls, Iriga

TUBIGAN FALLS

HOW TO GET THERE: 
  • From Naga City ride a bus/van going to Iriga City. -P59.00
  • Rent a habal-habal (door-to-door) going to Brgy. Tubigan  -P100.00 (approx)
    • You will be taking the diversion road going to Buhi.
    • *Ask him if he can wait for you because transportation is very limited in the area or you can ask him if he can accompany you.
  • HIRE A GUIDE (This is very important since there is no established trail going there) -P50.00(approx)
  • -Walk along the corn field. If you can see a alternate route going to the left side please follow that and the bamboo hand railings this will lead you to the falls only for 3 minutes. 

Since hindi ito nasali sa Chasing waterfalls namin ay sinadya ko nalang ito dahil sabi daw ng aming mga BSP friends eh pwede daw tumalon galing sa taas pero wala daw silang kakilala na ginawa na ito kaya I'M UP FOR THE CHALLENGE!



Napilitan po akong isama ang kaibigan kong si Guido Mella (jk lang!) Kasama ang aking mga Mountaineer friends from Iriga tinungo namin ang Tubigan Falls. Lahat kami ay naka motor kaya madaling madali ang pagpunta doon.  Maganda ang daan at talagang joy ride! 

After 15-30 minutes ay tumigil na kami sa barangay Tubigan at hindi halatang may falls doon kaya kung first timer ay mabuting mag tanong tanong. 

Naglakad kami sa gilid ng mga mais at nag ikot pa kami for almost 10 minutes para marating ang falls. Madulas ang mga bato at medyo liblib ang lugar pero so far, safe na safe pa naman!

Dumaan kami sa ilang parte ng tubig at medyo madulas talaga kaya mag ingat.

Ganda noh?

Andaming pwedeng gawin sa taas ng falls bago bumaba! 


Medyo risky ang pababa sa may paanan ng falls pero syempre tatahakin natin ang lahat ng daan.

Sabi ni Kuys Raymark wala pa daw siyang kakilalang tumalon galing sa taas! Tambay mode ang Rinconada Team.

AHA! Dahan dahan akong bumaba at naligo para makita ang paligid ng aking babagsakan kung sakaling tatalon ako galing sa taas. Malalim talaga at napakalakas ng alon. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya talagang ma ingat na maingat akong nag swimming. Medyo risky pero kaunting pilit pa at tatalon ako! HAHA Since ayaw nila kuys Raymark eh hindi ko pinagpilitan ang pag talon! 


Tara! uwian na! Daan daw muna kami sa ka-tukadders naming si Ate Ghil! Free lunch at tambay! 

MARAMING MARAMING SALAMAT MGA RINCONADA FRIENDS! 

Tara? Libutin natin ang Rinconada





For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...