Ayon sa plano ay 6 ang kasama ko sa Malabsay Falls at naging apat nalang kami. Maagang maaga ako nag ayos at nag asikaso papunta sa Malabsay dahil nga ayon sa aking mga nakalap na impormasyon ay bihira lang ang biyahe ng jeep papuntang Panicuason kaya mas maigi kung maaga pumunta doon. Bandang 11:00am na dumating si Jonathan at Jazon sa Naga at dahil nga nasa Naga na kami ni Agnes ay kami na ang bumili ng snack at lunch naming dalawa dahil tinext ko na ang dalawang kararating palang na sa terminal na bumili ng pagkain subalit mas inunang bilhin ang shades kesa sa pagkain. 11:15 na kami nakasakay ng Jeep papuntang Panicuason at sa toplod na kami sumakay na tatlo dahil punong puno ang jeep. Tirik na tirik ang araw na magiging dahilan sa pag-itim ng dalawa at alam ko na saakin ay wala ng talab.
|
INIT sa taas! (ignore niyo nalang ulo ni kuya) |
Sa Carolina lang tumigil ang jeep dahil makikifiesta daw si kuya driver dahil na saktohan naming fiesta sa Carolina sa panahong iyon. May lumapit saaking kuya door-to-door (DTD) na tananong kung saan kami papunta at sinabi kong GSP at prenesyohan niya kaming P20.00 ang isa. Paakyat na daan subalit patag at maayos na maayos ang tatahakin paakyat sa GSP.
Pagbaba namin sa DTD ay may batang lumapit at inaalok kaming i ga-guide niya raw kaming papuntang entrace ngunit hindi sa falls. Biniro namin ang isang bata na kung merong sinaing ay kukunin namin siya at meron daw sinaing ang nanay niya kaya kinuha namin siya at dahil mukhang mabait ang batang iyon.
Bumili ng delata ang dalawang cute at tulad ng napag usapan ay sa bata na kami bibili ng sinaing. Tumigil kami sa bahay nila upang kunin ang napag-usapang pagkain at dahil mabait ang magulang ng bata ay pinadalhan pa kami ng plato at kutsara at ang sinabi lang saamin ng tinanong namin kung mag kano ay "Bahala na kamo(kayo)".
|
sa may bahay nila Kuya |
Pinagpatuloy namin ang pag akyat sa Mt. Isarog at dahil sa init ng panahon ay hindi pa kalahati ay pawisan na kaming lahat at lalo na don sa isa. Napakagandang tingnan ng Mt. Isarog at ng Naga mula sa daan paakyat. May mga naka salubong kaming galing sa Falls at nag bibiruan na malayo paraw at tawanan lang kami ng tawanan. Nakarating kami sa Entrance ng Mt. Isarog National Park matapos ang 15minutes na pag-akyat.
|
Hingal Aso |
|
yung entrance ni Athan |
|
Mt. Isarog National Park |
P10.00/head ang entrance sa Park at paalala lamang na mag ingat sa daan at itapon ng maayos ang basura. Akala ko ay tapos na ang lakaran subalit meron pa palang magaganap na hiking pero pababa papunta sa falls. Merong mga sementadong hagdan subalit halatang nasira na sa pagdaan ng panahon at dapat ay ma ingat na ma ingat ang paglakad. Pagkatapos ng 3 minutong lakaran ay maririnig at makikita niyo na ang tubig mula sa Malabsay Falls. Pagbaba namin ay sabi ni pareng tour guide na kanya-kanyang pwesto nalang daw doon.
|
with pareng TG |
|
ang aming pwesto! syempre ang Baon! |
Mararamdaman mo talaga na connected ka sa nature dahil sa tunog ng tubig at presko ng hangin palang ay mararamdaman mo pa ang ganda ng kalikasan. Kumain muna kami ng tanghalian at kaunting pag aayos lang ay lumusong na kami sa tubig. Meron palang bukal na pwedeng kuhaan ng tubig na maiinum at malamig ang tubig na maiigib doon.
|
Yan po yung inuming tubig na pwedeng igiban |
NAPAKALAMIG ng tubig at biglang lalim sa paliguan kaya bantayan niyo po sanang maigi ang mga batang kasama.Umakyat si Jazon sa gitna ng Falls at sa ikalawang balik niya ay niyaya niya si Athan subalit hindi kinaya o na abot ang bato kaya nagpaanod nalang ito papunta sa gilid. Kahit matagal na akong naka nakalusong sa tubig ay nilalamig parin ako at makalipas lamang ang ilang picture taking at pagbababad ay nag meryenda na kami.
|
uy!! may serena! |
|
si Jazon po yan! |
|
syea! Ayus ang emote ni Athan |
|
with pare! :D |
|
HAHAHA! aus ba? |
|
ako po ang photographer |
Natuyo na ang aking sout na damit at para bang napakahirap ulit lumusong sa tubig subalit dahil gusto kong i enjoy ang tubig at pagkakataon na maganda pa ang lugar ang lumusong muli kami sa tubig. Pumunta ako sa gilid ng falls at masasabi ko lang na ang hangin mula sa pagbagsak ng tubig ay malakas at pati na rin ang tubig. Napakalalim ng Malabsay Falls kaya kahit maraunong kang lumangoy ay mag ingat ka padin dahil nanghihila ang tubig pa ibaba.
Umuwi kami bandang 4:00pm dahil magagabihan kami sa daan at ang kalaban namin ay ang masasakyan pauwi. Dinaanan ko muna ang bahay ni pareng TG dahil kinausap ko ang ama niya tungkol sa pag akyat ko ng Mt. Isarog. Dahil natuto nako ay kinuha namin ang number ni kuyang DTD upang magpasundo at kinonrata niya na kami na sa halagang P40.00 bawat isa ay sa urban poor na niya kami ihahatid dahil wala ng sakayan sa Carolina Terminal.
|
dahil na cute-an ako kay athan dito |
|
Pang ONE PIECE! |
|
Door-to-Door |
Makalipas lamang ang ilang oras na pag-aantay ay may dumaan ng jeep papuntang centro sa halagang P15.00/head. Pagod at antok na antok nako pagdating namin sa Naga at dahil may mga dapat pang gawin at ihatid ay pinilit ko ang aking sarili. Pagod na hita at paa ang pasalubong ko sa aking sarili.
For more photos:
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.342127522576884.1073741833.336386316484338&type=1
For my schedules and other infos: www.facebook.com/kwentonglaskwatchanimalonesarcia
Watch out for my schedules.
SAMA KA SA SUNOD!!!