Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Monday, May 6, 2013

SILI, MALUNGGAY, TINUTONG & BAILEYS ICE CREAM(?)


Tingnan palang ang mga tig iisang scoop ng ice cream na'to ay nakakagigil na lalo pa kaya kong titikman ko na. Since last visit ko dito ay isa na ito sa mga target ko kaso nakalimutan ko dahil sa change of plans kaya ito na ang pagkakataon. Kasama ko ngayon si Doc. Jenny Young at ang Bespren kong si Agnes. Gusto ko ng tikman ang SILI ICE CREAM na matagal ng ipinapangako sakin ni Bespren pero syempre gusto ko din i-try yung iba.


Near the Escalator at the Front Gate

Sa First Colonial Grill, Gaisano Mall kami nag order ng iba't ibang trip ng ice cream. Sili, Malunggay, Tinutong and Baileys Ice Cream ang inorder namin. Sa halagang P79.00 ay may 3 scoops kana ng iba't ibang flavor na gusto mo at pwede rin namang isang flavor lang. Inorder ng pinsan ko ay ang Sili, Tinutong at Baileys dahil ang sabi ni Bespren ay ang tinutong daw ang pinaka masarap na ice cream sa menu.

Sili, Baileys and Tinutong


Sabi ni Doc ay ang Baileys Ice Cream ay para lang din namang Vanilla at tama siya dahil nung tinikman ko ay vanillang vanila ang lasa niya pero mafifeel mo yung breathe mo na may alcohol  for almost 2 seconds.

Ang Malunggay Ice cream naman ay suprisingly lasang Mallugay nag hahalo ang lasa ng gulay at tamis at the same time pero parang ma wiweirduhan kayo dahil sa kakaibang lasa nito. Pero sa mga vegetarian ay heaven ang ganitong lasa.

Tinutong na Ice Cream ang pinka bet ko sa lahat! Kakaiba ang lasa niya dahil nga sa sarap ng tinutong na bigas na may halong gatas lalo pa at ice cream na ito kaya hindi matatawaran ang lasa nito.

at dahil Bikolano... SILI ICE CREAM for the finale! Im not expecting too much sa sorbetes na ito talagang gusto ko lang siyang tikman dahil nga weird stuff sa kadahilanang maanghang na malamig. Sa unang tikim mo ay parang ordinaryong Ice Cream lang siya pero sa oras na lunukin mo na ito mararamdaman mo na ang sabit ng anghang sa lalamunan mo at sabi nila ay pati sa dila pero hindi ko na feel sa dila siguro sadyang mataas lang ang tolerance ko. Mapapa inum ka ng tubig dahil nga lamig ng pagsabit ng Ice Cream na ito.

Hindi ka malulugi sa Deal ng 1st Colonial Grill dahil sa P79.00 ay matitikman mo na ang tatlong flavors ng Ice Cream from Bicol.

Agnes, Ate Jenny & Malone



CHACHARAP

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...