Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Tuesday, May 7, 2013

Albay Trip 2 (May 4 & 5, 2012)

Day 1

Maagang-maaga ako nag asikaso papuntang Legazpi dahil matagal na namin tong plano ni Ate Jenny almost 3 days na since napag-usapan namin ito. Hindi nanaman ako natulog hindi dahil excited ako kundi alam kong hindi ako magigising ng maaga kaya as usual same technique din. Habang nag aabang ako ng sasakyan papuntang Naga ng bandang 5:30am ay naka pulot ako ng P500.00. Isang oras na biyahe papuntang Naga dahil wala pa gaanong pasahero kaya matulin na matulin ang Jeep. Pag dating ko ng Naga ng bandang 6:30am ay sumakay agad ako ng Van papuntang Legazpi at as usual hindi nag bago ang presyo ng pamasahe P140.00 padin.

Tulog ako sa biyahe pero dahil ihing-ihi nako bandang Polangui palang ay gising nako at pilit nag coconcentrate na hindi muna bumuhos ang bugso ng aking damdamin. Bandang 9:45 nako nakarating at nag-aantay na si Bespren sa kanto ng Aquinas. Doon nako sa kanila kumain ng pananghalian sa kanila habang inaantay si Doc. Jenny. Dahil sa butihing ina at ama ni Bespren ay nag karuon kami ng istant place to stay na dapat sana ay maghahanap palang kami ni bespren kaya maaga ako pumuntang Legazpi. Habang nag hihintay kay Doc ay naka tulog ako hanggang 12:30pm na at bigla siyang nag text na nasa McDo siya sa Gaisano.




Nag lunch siya dahil gutom na gutom siya sa napaka habang biyahe at inalok namin siyang i try ang Sili Ice Cream...

http://sinosasama.blogspot.com/2013/05/sili-malunggay-tinutong-baileys-ice.html

Bumili kami ng snackan sa Gaisano at nag antay ng kaunting oras dahil nag chacharge ng phone si Ate Jenny sa halagang P20.00 ang full charge.

Tumungo kami sa Cagsawa Ruins at halos kalahating oras ang biyahe sa P14.00 kada isa. Bumaba kami sa kanto ng papuntang Cagsawa Ruins at sumakay kami ng tricycle sa halagang P8.00 ang isa.

Bulaga! 
Haha! 3 towers! (joke)
Si Bespren sa Ruins


Maraming mga Souvenir shops dun at napakaraming pag pipilian. Meron ding mga Photographer na ang bayad ay abot-abot lang kahit ilan ibigay mo pero mas maganda po kung may baun kayong pagkain dahil noong pag bili namin ng Royal na 1.5 ay P60.00 ang presyo!

Souvenir Shopping @Cagsawa

Magayon ka padin Mayon kahit anong manyari


At sino kasama namin dun... Si KUYA TONYPET!  POPTALK

poptalk sa Bicol! 

Dinaanan na din namin ang Daraga Church at WOW! nag dasal si Doc sa loob. Ngayon ko lang napinsin tong History ng Daraga Church.




History ng Daraga Church


Bandang 5:00pm na kami pumunta na centro dahil nga balak naming magpagabi sa Boulevard. Nag ikot-ikot kami sa EMBARCADERO at ang nasabi lang ni Ate Jenny ay "Hindi naman pala siya kalakihan kasi sa picture parang ang laki at ang ganda". Pumasok siya sa Bicol Shirt City para bumili ng souvenir at naglakad lakad na kami sa Embarcadero. Saktong sakto ang oras para mag lakad-lakad sa boulevard. Dahil medhyo pagod na din kami doun na nalang kami sa unahang banda ng boulevard na medyo marami ang tao pero marami ding mga nagtitinda.



Takatang
Boulevard
                           
EGYPT

NIGHTLIFE in LEGAZPI!!! 
   

Ang naka pa windang sakin! Moving Fish Shop!
Kumain kami ng dinner sa Gaisano ulit dahil late na din at guess who kung sino nakita ko! ang aking butihing kaibigan na si Ms Jazmin Asence!!! HIHI :3 at inexpect niya daw pala talaga na magkikita kami.

Jazmin Asence @Gaisano

Umuwi kami bandang 9:00pm ng gabi at kaunting oras na tambay sa rooftop nila bespren ay natulog na kami dahil maaga pa kami para bukas sa pag akyat sa Lignon hill.

Day 2


Maagang maaga sila gumising at naligo! Ako! Syempre Hindi! ang sarap kayang matulog sa erkondichon! HAHA! Bandang 6:00am na kami naka punta sa Lignon at hinatid kami ni Tito sa paanan at wala pang entrance fee kaya lIbre-libre din pag my time!

Exercise early in the morning
very inspirational message! 

Picture taking trip lang kami sa taas dahil natutulog pa si Kuya na nagbabantay ay kumain muna kami ng Instant Noodles sa halagang P25.00 pero infernes and mura dahil inexpect ko ay medyo mataas ang patong. After ay uminom at kumain naman kami ng masarap na masarap na buko sa halagang P20.00 ang piraso na talagang masusulit mo dahil malaki ang buko.





AT LAST AFTER WAITING FOR ALMOST 2HOURS!!! ZIPLINE MODE! TeLED :D  NEXT TIME TAYO-TAYO NA DIN MAGKAKASAMA!



Nag SuperMan kami ni Doc sa halagang P350.00 each at meron ng isang picture pero may makukuha kapa sa site ng Lignon Hill Zipline. Nagsuot kami ng gear na sikip na sikip at kitang kita ang bundat kong tiyan. Pagkatapos ng ilang minutong pag aantay ay ito na... GAME!

SUPERMAN
SI Doc Jenny and nauna! hihi :D



After...

Dinaanan lang namin yung Japanese War Tunnel dahil naka sara pa ito.



Bandang 10:00am ay nag lunch na kami sa Gaisano dahil hahabulin pa ni Doc ang biyahe papuntang Viga kaya maaga siyang nag paalam kila tita and tito at ako naman ay hinatid ko pa si Bespren dahil hinaram ko lang siya sakanila for almost 2days. Umuwi na din ako ng Libmanan after.

McDonalds


SPECIAL THANKS TO Tita Jocelyn and Tito Benito Abelinde

ENJOY TALGA SA LEGAZPI!
SAMA KANA NEXT TIME HUH!
KAWA-KAWA NAMAN!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...