Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Thursday, May 9, 2013

Engkanto Falls & Pinagmulan Falls (May 8,2013)

Biglaang PLANO at Biglaang OO ang tumulak sa aming mag pinsan para pumunta sa Engkanto Falls na makikita sa Bical, Libmanan, Camarines Sur.

Engkanto Falls without Falls :) Naengkanto yung tubig eh! 

Tumulak kami sa ilalim ng init ng araw at nakuha pa naming sa toplod sumakay. P20.00 lang ang pamasahe sa Libmanan-Sipocot Jeep papuntang Bical at dahil unang beses kong pumunta doon ay sinabihan namin ang driver na sa Engkanto Falls lang kami bababa.

ANG INIIIIIT!! 
Sinunod lang namin ang daan kahit wala kaming ideya kung saan kami makakarating ADDventure!

           


Nakarating pa naman kami ng maayos at ang pang bungad ay isang spring resort na ang entrance ay P5.00 at may Cottage sila na P100.00 at kung Overnight naman ay P150.00. Nagtanong kami kung saan ang papuntang Engkanto Falls at itinuro ulit kami sa madamong daan at ayun. nakita namin ang WALANG TUBIG NA FALLS.

ENGKANTO FALLS

NAGHANAP KAMI NG IBANG FALLS. Umakyat kami sa dinaraanan ng tubig at dahil walang tubig tuyo ito kahit medyo madulas ay meron namang hawakanng mga baging at puno na puno ng ANTIK!


ang nahila kong pinsan! 

Merong kunting tubig ang tinawag kong PINAGMULAN FALLS dahil kalahati ng bumubuhos sa Engkanto Falls ay galing dito. Naligo kami sa mala shower na falls at parang nawala ang sakit ng katawan, pagod at init na nararamdaman namin kanina.



HANAPIN NIYO KO!!! 

Bumaba kami na ma ingat na ma ingat dahil madulas ang daan at mas mahirap bumaba kesa umakyat pramis. Kumain kami sa baba at kaunting sandali lang ay pumunta na kami sa resort para maligo upang masulit namin ang pamasahe.

Ang aming Lunch

hanap-hanap din ng malalim


Naghanap ako ng malalim na banda at naligo kami ng 1-ng oras at kaunting relax lang sa tubig ay umalis nadin kami dahil unti-unting dumarami ang tao.

malalim na banda ng Resort

Butanding!

Dumaan kami sa TAMANG DAAN na hindi namin nadaanan kanina. At ilang sandali lang nang pag aantay sa Highway ay naka sakay na rin kami sa Jeep papauwi.

ANG TAMANG DAAN!


SA SUNOD NA BALIK KO AY SISIGURADUHIN KO NG MAY TUBIG!
TARA! SAMA KA! CONTACT ME! :D










No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...