Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, May 17, 2015

Atulayan Overnight with Rakstah Tropa

ATULAYAN ISLAND
Rakstah Tropa with Malone and Bibi
     

May 16-17, 2015 All set for Atulayan Overnight Swimming Trip with Rakstah Braders... Ang summer get-away ng tropa ni Kuya Pim ay napadpad sa pangpang ng Sagnay at kinuha niya ko as sidekick/tour guide.

1300 na kami nakarating sa butihing host ng Trip na si Kuys Jojo Nunez at dahil kakarating lang ni Ate Joi sa Bicol ay 0300 na sila nakarating sa bahay ng host. SURPRISE wala pa po kaming bangka papuntang Atulayan kaya na-una na kami ni Ac papuntang Nato Brgy. Hall. Dahil medyo hapon na at past 5 na kami pupunta ng Isla ay kailangan naming mag rent ng malaking bangka sa halagang P1,800.00 dahil risky na sa lakas ng alon. Tumambay muna kami ni AC sa centro ng Sagnay habang nag hihintay sa kanila.

STEPs para makapuntang Atulayan Island sa port na ito...
1. Mag register sa barangay sa kanilang logbook.
2. Maghanap ng bangkero... 5-13 pax =P1,000-1,500. 15-25pax P2,000. (bahala na po kayo makipag sales talk doon.
3.Mag bayad ng P10.00 para sa iproprovide na lifevest/life jacket. 
P.S May bayad po para sa PARKING FEE ng P30.00/sasakyan

Galing sa Sagnay Centro papuntang Brgy. Hall ay P15.00 ang isa sa tora-tora.

5:30pm na sila nakarating sa Nato Port at nag rent sila ng jeep para deretso ang hatid.


TOUCHDOWN ATULAYAN! at dahil gabi na at nakapa reserve na ako kay Ate Lany sa TERESITA BANI RESORT ay doon din ang bagsak namin at kaunting tawadan lang sa presyo ay na settle na ang aming price plus nagdagdag kami ng kaunti dahil sa 24h na ilaw dahil nag rent si Ate Lany ng Generator Set para hindi mawalan ng ilaw sa resort.

KAINAN NA!!!


Matapos ang masarap na kamayan ay nag swimming muna kami ni Ac sa maligamgam na dagat pero meron ding mga insekto na nangangagat sa ilalim ng tubig.


MAY 24hours na SARI-SARI STORE PO DITO!
ang Tubig po ay 24hours din at TIP lang po ang bayad sa dalawang batang taga-igib!
Meron din po silang CR!  

INUMAN & TAWANAN SESSION hanggang 5am

GOODMORNING mga PRANING!


0600am po kami na gising at nag lakad lakad upang masilayan ang Sunrise pero nasa kabilang dako po ng isla ang sunrise kaya... Strolling and Swimming nalang po! Tara!

Kahit hindi pa nakakapaligo ang ibang ka tropa ay kailangan na naming umuwi dahil on time sila Kuya Bangkero sa 8:00am na usapan namin.

SO LONG mga PAGONG! Sa centro na po kami bumaba ni Ac at silaay bumalik pa sa Goa upang mag ayos ng mga gamit!

MARAMING MARAMING SALAMAT PO MGA BRADER sa TAWANAN at LAHAT!
Hanggang sa UULITIN po!!!

RAKSTAH BRADERS







FOR NEWS AND EVENTS!!!  Don't Forget to hit the LIKE button! 








No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...