Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Saturday, May 23, 2015

BURIAS ISLAND EXPERIENCE (Day 1)


Ito ang araw na nakarating ako sa Magandang karagatan ng Masbaste! Burias Island Trip ang lakad namin ngayon ni Ac kasama ang ibang Tukadders at iba pang beach person na katropa nila Kuya Nino. Nag-ooffer sila ng 2 days and 1 Night BURIAS ISLAND EXPERIENCE sa halagang P1,800 kasali na ang Foods sa whole duration ng trip, Island Fees, Generator Set, banlaw.  CLICK HERE TO CATCH UP THE BURIAS ISLAND EXPERIENCE JUNE 13-14.

Merong apat na magagandang isla kaming pinuntahan na talaga namang mapapa-wow ka sa ganda!
BAWAT ISLA AY MAY NATATANGING GANDA... 

7:30-8:30am ay nag hihintay na sila sa fishport ng Pasacao dahil doon nakadaung ang lantsa/bangka para sa dalawang araw na beach trip na ito. May bayad na P10.00/head entrance sa Port. Sakto ang dami namin sa isang bangka.

Halos dalawang oras na byahe mula Pasacao ay napadpad kami sa...
 ANIMASOLA ISLAND

Isang isla na pinagpapahingahan ng mga mangingisda galing Masbate at talaga namang ang ganda ngisla na ito. Lakad-lakad at akyat sa tuktuk ng isla ang trip dito! Dahil sa unique na batong ito
ay nabasa agad ako! Tara! Photo Ops muna dito!


Ilang minuto lang ay naglakad na kami sa likod na part ng isla na kung saan ay merong mga butas butas na parang swimming pool pero hindi na kami nakalangoy masyado dahil sa mga Jellyfish dito (pero pagmaliit ay harmless pa naman) sadyang ayaw lang naming mag risk.

Hindi kami makababa sa mga swimming pool na ito kaya inakyat nalang namin ang isla at meron na itong hagdan na sabi ni Kuya Nino ay wala pa naman daw noon. TARA! Akyat!

Hindi ka pagpapawisan sa pag-akyat pero siguradong ika'y madudumihan. Ingat lang po kahit pa
meron ng hawakan at akyatan. Photo Ops naman sa taas! Dahil umakyat kami ay kailangan din naming bumaba (Magdala po ng tubig kasi baka mauhaw din kayo)


Hindi na kami umabot papuntang San Pascual Centro kaya inihatid nalang ng Tita ni Kuya Nino ang lunch namin sa 2nd island na aming bibisitahin...
TINALISAYAN ISLAND! 


Hindi ko inaasahang kompleto ang isla na ito ng Tent, Tables, CR at kaunting tinda sa mini bar nito. Mayroong rent ang tent sa halagang P200.00 at kung gusto niyo namang mag overnight ay may fee na P100.00/tent. Ang entrance po ay P30.00 kung taga Masbate at P50.00 naman kung galing Naga at malayo pang lugar. Pag-aari po ito ng LGU kaya sila po ang nag mi-maintenance ng lugar na ito.

Tara KAINAN MUNA!


Sarap ng mga luto ng Pamilya ni Kuya Nino! Da best! Pramis! Kain ng marami para sa pag swimming! (Burp*) Na-una kami nila Kuya Nino, Ate Ghil at Ac maligo at nag cliff diving muna kami sa isang parte ng Isla.


Tara Swimming sa malinaw at mapreskong dagat! Mamaya ay pupunta daw kami sa sandbar na makikita sa harap ng isla. Manga mode at meryenda muna po!

Sand bar mode na kami at snorkeling ng kaunti sa gilid ng sandbar! ganda talaga ng mga isla dito
da best!



Byahe na po tayo sa isa sa mga pinaka sikat na isla sa Bicol! Halos 1 oras na byahe mula sa Tinalisayan... TOUCHDOWN!
SOMBRERO ISLAND

Ganda nang pagkaka shape ng isla at ang dami na rin palang cottages dito at meron pang volleyball net! Pitch Muna kami ng tent bago mag lakad-lakad.

Mag sa sunset na kaya tara! strolling muna with the gang!



Babad muna sa tubig ng Sombrero bago bumalik sa tent! Nagbabanlaw na po ang iba dahil hindi na sila mag na-night swimming dahil pagod na rin. Sa part po kung saan kami nag rent ay may bayad ang CR. P5.00 sa tubig dagat at P50.00 para sa 50L na tubig na pang-banlaw. Meron din po si tatay na tinda ng kaunting items katulad ng yosi, cracker, tinapay, cup noodles, sabon and shampoo.

KAINAN NA! LECHON! Patay ka samin na baboy ka! 

After Dinner ay nagbanlaw na rin kami ni AC at nagpahinga sa tent habang ang mga boys ay nag-inuman ng kaunti. Meron palang 24hours na ilaw sa may part namin dahil sa Generator set ni kuya Nino at pwede din po mag charge.
Bukas ay sa Dapat Island naman ang sunod at susulitin ang paligo sa Sombrero... LIGHTS OFF!




FOR BURIAS ISLAND EXPERIENCE (Day 2)


FOR MORE PHOTOS!!!



FOR NEWS AND EVENTS!!!




May 23-24, 2015 island hopping experience,.,2nd Organized by yours truly: NiñoJad Pahug Ta MalipotIslands visited: 1. Animasola Island 2. Tinalisayan Island 3. Sombrero Island Resort4. The Virgin "Dapa" islandFree foods, servicemen, portable genset, tour guide, and even the drinks hehe,., with lechon,., :) tag yourselves guys kung di kayo natag,.,
Posted by NiñoJad Pahug Ta Malipot on Monday, May 25, 2015

WANT TO JOIN THE BURIAS ISLAND EXPERIENCE THIS COMING JUNE 13-14???
for ONLY P1,800.00/head inclusive of Foods, Island Fees, Generator Set, etc,. 




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...