Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, May 24, 2015

BURIAS ISLAND EXPERIENCE (Day 2)

Visiting the SAN PASCUAL, ISLA BURIAS MASBATE

5:30am ay gising na ang lahat para sa Sunrise pero hindi gaanong makikita ang sunrise pero okay lang sulit naman sa liwanag! WAKE UP!!!


Nagkape lang muna kami at nag strolling muna kami ni AC at naligo narin at the same time. Hindi pa namin alam na hindi nakaka-damage ang maliliit na Dikya kaya naghanap kami kung saan wala at doon na kami naligo.



Hinanap namin ang iba dahil parang walang tao sa mga tent kaya hinabol namin sila sa likuran ng Isla. Picture muna!

Nandito lang naman pala sila!


"Kuya Nino, pag tig langoy ko yan paduman hahalaton nindu ako?" (Kuya Nino pag nilangoy ko yan papunta doon ay hihintayin niyo ba ako?) Yan ang salitang nagkumbinsi saakin para languyin ang Islang Hugis Sombrero mula sa islang ito.

P.S HUWAG PONG GAGAYAHIN KUNG HINDI MARUNONG LUMANGOY, HINDI PROPERSYONAL NA SWIMMMER O HINDI LAMANG DAGAT tandaan SEACOW po ako kaya nalangoy ko yan!

"Malapit man sa inyong paningin nakakapagod rin"


OH YEAH! STROLLING SA TOTOONG SOMBRERO ISLAND! TOUCHDOWN


Hindi na po pwedeng akyatin kaya hanggang dito nalang ako! Ang view galing sa taas ng isla...


Medyo nahirapan ako papabalik! Pero sige lang! Kaunti nalang! Pagdating ko ay bumalik na kami sa campsite para mag almusal kasi pupunta na daw kami ng Dapa Island!

SARAP NG AGAHAN PAGKATAPOS NG MATINDING LANGOY NA YUN! TARA! Kain po! Syempre Kwentohan mode at the same time.



ON THE GO SAGO NA PO KAMI! Lezz Go sa...

DAPA ISLAND

Pagdaong palang ng bangka ay magandang cliff diving spot ang nakita ko kaya inakyat ko kaagad ang isla na matatalim ang rock formation (Mag Ingat po dito! talagang matalim siya)

Sabi ni Kuya Nino ay maglalakad pa daw kami papunta sa gilid nitong isla kasi mas maganda daw mag cliff jump doon.

Letzzz Go!!!!


Ang daming magagandang kweba sa baba ng aming inaapakan at may mga itlog din ng ibon and please wag niyo po silang gagalawin kahit anong mangyari.

HETO NA! HETO NA! WAAA!!!!






MAG INGAT PO SA WALO-WALO o SEASNAKE kasi meron po kaming nakita buti nalang at dumaan lang yung isa at yung isa naman ay natutulog lang sa kanto.
HINDI NAMAN DAW PO KAYO AATAKIHIN NG WALO-WALO KUNG HINDI NIYO NAMAN GAGAMBALAIN

SALAMAT DAPAT! Papunta na kami sa San Pascual para kumain ng Lunch sa Bahay nila Kuya Nino at mag banlaw na rin para sa pag-uwi!

Nandito na po kami sa SAN PASCUAL/BURIAS ISLAND Centro ay meron po silang nag iisang Hotel dito!


Kumain lang po kami ay umuwi na din kami (Insert Sad Face)

May Nakita po kaming DOLPHINS sa byahe habang papuntang Pasacao!

SARAP PA SANA MAG EXPLORE AT MAG ISLAND HOPPING SA BURIAS pero kailangan naring umuwi!

Sa mga gustong ma experience ang BURIAS ISLAND EXPERIENCE..

MARAMING SALAMAT PO SA MALIPOT FAMILY, Sa LAHAT NG MGA NAKASAMA!  Ganda talaga sa BURIAS! 

MAGLALASKWATCHA PA PO TAYO!



FOR DAY 1




FOR MORE PHOTOS!!! 


FOR NEWS AND UPDATES! 


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...