NALALATA FALLS
Acee and Malone
HOW TO GET THERE:
- From Naga ride a jeep going to Bula. (P30.00)
- From Bula Centro ride a habal-habal going straight to Nalalata Falls. (approx P50.00)
TAKE NOTE:
- Nalalata Falls is far from Bula Centro.
- SAFETY FIRST.
12:00nn na kami umalis ng bahay dahil akala ko ay malapit lang ang Nalalata Falls sa Bula pero mali ang aking inakala.
1:30pm nakarating kami sa centro ng Bula at dahil wala akong ideya kung paano makarating sa Nalalata Falls kaya nag tanong ako sa mga door-to-door driver dahil 90% ay alam nila ang daan.
P.S. grabe po ang rough road papasok ng Bula.
Halos 30 mins din kami nag hanap ng entrance papuntang Falls. Galing sa centro ay sundan niyo lang ang daan papunta sa detour ng San Fernando ay kumaliwa kayo at approx mga 10 mins na byahe ay makikita niyo ang entrance at doon din mismo makikita ang habal-habal terminal papasok dahil approx 15 mins pa ang byahe.
Matinding digmaan ng gulong at bato...
Hindi ko alam kung saan ang papasok ng Falls pero sige lang!
Malalaman niyong nasa entrance na kayo papunta sa falls dahil sa mga sasakyan at may banner naman papasok. Safe na safe po ang mga sasakyan niyo sa parking lot.
Stairway to Nalalata...
Tara! Malapit na us! May 7-11 store (hihi) sa may entrance kaya kahit walang baon ay merong mabibilhan.
P20.00 ADULT
P10.00 KIDS
Yung tipong pagkapasok naman.. WOW! Ang daming tao!
Medyo mabibitin kayo sa may papasok sa falls pero explore a little bit more at makikita niyo ang tunay na Nalalata Falls.
Nag lunch muna kami ni Ac bago nag explore!
NALALATA FALLS
Dahil dalawa lang kami ay naghanap kami ng bato kung saan pwedeng iwanan ang gamit at tara!
Lez do diz... TARA! LEZZ HAVE SOME PAN Peter Pan!
Mag ingat po kung sakaling gustong umakyat. Meron din po doong parang kweba na pwede atang pasukan kaso hindi ko gaanong na explore dahil hindi pwedeng maiwan si Ac mag-isa.
TALON sa TALON!
Malalim at ito lang po ang swimming spot kung gusto niyong malalim dahil napnsin ko na hindi gaanong kalaliman ang mga languyan dito!
SULIT na SULIT na ang NALALATA FALLS EXPERIENCE kaya... sad face insert here... UWIAN NA! Mahaba-Habang Byahe na naman ito!
Maraming salamat po Bula!
for more PHOTOS
for NEWS and UPDATES... DON'T FORGET TO HIT THE LIKE BUTTON!
No comments:
Post a Comment