Ang Tukadders: Chasing Waterfalls ay naka sched this day kaya 6:00am palang eh papunta na kami ng Naga ni Ac. Hindi na naman ma kontak sila Tito Kools kaya didiskarte nalang kaming dalawa para makita sila.
Dahil hindi kami nag confirm na sasama kami ay sumunod nalang kami ni AC kila Tito Kools dahil alam ko na na nagsisimula na sila ng kanilang canyoning papunta sa Nabuntolan Falls kaya uunahan nalang namin sila papunta sa Nabuntolan para doon na kami magkita kita.
Meanwhile...
hahaha! Dahil nag kita-kita na kami nila Tito Kools, Ate Jess, Kuya Nino at Ate Pau ay nag canyoning na kami papunta sa Nabuntolan.
NABUNTOLAN FALLS
MALABSAY FALLS
*May free life vest na po para sa mga 4ft pababa kung lalangoy sa Malabsay!
Tara Talon tayo!
The "Find your center rock churva" ni Kuya Nino... Hahaha! Tara! Langoy lang po!
Next spot ay ang Baby Falls o Yabu Falls... Hindi pa ako nakakarating sa Falls na ito kaya! Eggcited nakong pumunta... Hindi kalayuan entrance sa Mt. Isarog Natural Park ay merong isang tagong daan pababa sa Yabu Falls at if makita niyo ang part na ito ay... Ingat pababa! Hindi kalayuan ay mararating niyo na ang...
YABO FALLS/Baby Falls
Tinatawag din itong Baby Falls dahil maliit siya ng bahagya sa Malabsay at kadugtong lang ito ng Malabsay. Ito naman ang Falls na parang swimming pool dahil halos lahat ng part niya ay malalim at take note... BIGLANG LALIM po.. Tara! Lezzz Enjoy this moment...
Sa daan na kami nag picnic... IT'S BUDOTS TIME!
Tara baba!
SECRET FALLS
Hindi napo pala secret ito dahil sa daan palang ay maraming ng nagkalat ng basura. Madami rin pong tao ng nakarating kami at nakita ko pa ang aking katropa na si Nikko.
PLEASE! BITBITIN NIYO RIN PO ANG INYONG MGA BASURA AT HUWAG PABAYAANG MAGKALAT ITO SA KAHIT NA SAAN MANG LUGAR! SALAMAT PO!
Dahil sulit na kami at medyo paubus na ang aming oras ay tumulak na kami papunta sa Big Rock Mini Falls... ang tambayan ng mga long boarder at iba pang mga katropa. Madali lang pong makita ang papasok dito dahil malapit ito sa pumping Station at sikat naman po ito. Tandaan: "Walang maliligaw kung nagtatanong". Kaunting lakad papasok ay makikita niyo ang isang part ng barbwire na itinaas ay iyon na po ang entrance pababa sa Big Rock... Masukal po ang pababa kaya INGAT!
BIG STONE (mini)FALLS
Hindi niyo po aakalain na malalim ang mismong binabagsakan ng tubig pero... CONFIRMED!
Malalim po siya ay pwedeng mag dive mag ingat nga lang sa mga bato sa paligid at malakas po ang tulak ng alon.
Marami -raming spot po sa lugar na ito na pwedeng pagtambayan kaya walang problema kung hindi marunong lumangoy at hindi na biyayaan ng height (jk lang). Uwi na po kami... at dahil mga Ninja ay kung saan-saan nalang nag palit ng basang damit.
for NEWS and UPDATES
Maraming maraming salamat po sa Tukadders Family!
TARA! LASKWATCHA!
KONTAKIN NIYO PO AKO FOR MORE INFORMATION PARA SA....
CHASING WATERFALLS... PANICUASON EDITION.
Don't forget to LIKE my PAGE... SINO SASAMA
No comments:
Post a Comment