Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, February 21, 2016

Tubigan Falls, Iriga

TUBIGAN FALLS

HOW TO GET THERE: 
  • From Naga City ride a bus/van going to Iriga City. -P59.00
  • Rent a habal-habal (door-to-door) going to Brgy. Tubigan  -P100.00 (approx)
    • You will be taking the diversion road going to Buhi.
    • *Ask him if he can wait for you because transportation is very limited in the area or you can ask him if he can accompany you.
  • HIRE A GUIDE (This is very important since there is no established trail going there) -P50.00(approx)
  • -Walk along the corn field. If you can see a alternate route going to the left side please follow that and the bamboo hand railings this will lead you to the falls only for 3 minutes. 

Since hindi ito nasali sa Chasing waterfalls namin ay sinadya ko nalang ito dahil sabi daw ng aming mga BSP friends eh pwede daw tumalon galing sa taas pero wala daw silang kakilala na ginawa na ito kaya I'M UP FOR THE CHALLENGE!



Napilitan po akong isama ang kaibigan kong si Guido Mella (jk lang!) Kasama ang aking mga Mountaineer friends from Iriga tinungo namin ang Tubigan Falls. Lahat kami ay naka motor kaya madaling madali ang pagpunta doon.  Maganda ang daan at talagang joy ride! 

After 15-30 minutes ay tumigil na kami sa barangay Tubigan at hindi halatang may falls doon kaya kung first timer ay mabuting mag tanong tanong. 

Naglakad kami sa gilid ng mga mais at nag ikot pa kami for almost 10 minutes para marating ang falls. Madulas ang mga bato at medyo liblib ang lugar pero so far, safe na safe pa naman!

Dumaan kami sa ilang parte ng tubig at medyo madulas talaga kaya mag ingat.

Ganda noh?

Andaming pwedeng gawin sa taas ng falls bago bumaba! 


Medyo risky ang pababa sa may paanan ng falls pero syempre tatahakin natin ang lahat ng daan.

Sabi ni Kuys Raymark wala pa daw siyang kakilalang tumalon galing sa taas! Tambay mode ang Rinconada Team.

AHA! Dahan dahan akong bumaba at naligo para makita ang paligid ng aking babagsakan kung sakaling tatalon ako galing sa taas. Malalim talaga at napakalakas ng alon. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya talagang ma ingat na maingat akong nag swimming. Medyo risky pero kaunting pilit pa at tatalon ako! HAHA Since ayaw nila kuys Raymark eh hindi ko pinagpilitan ang pag talon! 


Tara! uwian na! Daan daw muna kami sa ka-tukadders naming si Ate Ghil! Free lunch at tambay! 

MARAMING MARAMING SALAMAT MGA RINCONADA FRIENDS! 

Tara? Libutin natin ang Rinconada





For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

Sunday, February 14, 2016

Rinconada: Chasing Waterfalls



Dadayuhin at tutuklasin ang ilang talon/ waterfalls sa Rinconada. Apat sana ang target namin pero sa kasamaang palad tatlo lang ang aming napuntahan. Mixed group po kami ngayon since ako at si Sir Raymark Barredo ang nag organize neto.

Antipolo Falls, Baybay Falls at ang isa sa pinakasikat sa Bicol, Itbog Falls.

7:00 am Meet Up sa Iriga City which is naging 9:00 am dahil sa tagal ng Bus.

ANTIPOLO FALLS

Tama po. Wala po siyang tubig 
HOW TO GET THERE: 
  • From BAAO ride a habal-habal (door-to-door) going to Brgy. Antipolo (if in case not available ride a tricycle going to Brgy. Pugay then ride a habal-habal going to Antipolo) P30.00
  • 15 minutes treck going to Falls. Please ask for directions or kindly hire a guide going there. No established trail.


Yes after 15 minutes of canyoonering naratin na naman ang falls na tigang na tigang (siguro dahil sa sobrang init) pero napansin ko na din na parang walang tubig kasi talagang walang tubig sa dinaanan namin eh!

OOOPPSSS! hindi po yan ang Antipolo Falls! Hihi!

Dito po ang daan papunta sa Antipolo Falls! Hihii Kaunti lang po kami umakyat since wala po siyang tubig! Tigang na Tigang! Parang Enkanto Falls ng Libmanan! Nawawalan ng tubig pag mainit.

Hindi din po bwelo maligo since mababaw lang ang paligid at kahit daw may tubig ay dikit na dikit ito sa bato kaya parang shower lang ang dating ng Antipolo Falls. Sulit naman ang treck papunta dito since talagang ma chachallenge ka sa daan at kung saan ka tatalon o kakapit na bato.

Since walang tubig eh Let' Go Na! Next destination : Tubigan Falls

Papunta na sana kami sa Tubigan Falls pero biglaang... NASIRA ANG JEEP!

Almost 30 minutes kaming ang hintay para dumating ang isang jeep sunce na delay ang schedule ay nag pasya kami ni Kuya Raymark na hindi na dumaan sa Tubigan Falls at dumeretso na sa Buhi para sa dalawang falls.

Kahit ganoon ang nanyari eh HAPPY LANG! sa Daan na kami nag lunch kasi marami rami na din daw ang nagugutom!
After kumain eh Back on the Track na!

Papunta sa dalawang Falls dito kayo mag sisimula sa Buhi port dahil mag rerent kayo ng Bangka


BAYBAY FALLS & ITBUG/TWIN FALLS

HOW TO GET THERE: 
Pwede itong i combo! kaya halos same direction lang.
  • From Buhi Centro Proper you can just walk going to Buhi Port
  • Rent a boat/bangka going to Baybay and Itbug Falls. P800-P1000.00
  • 5 min. Treck from the Brgy. port going to Falls 
    • The way is not that established but you can hire a local to guide you (P20-50)
    • or you can just ask the Bangkero/ crew of the boat to accompany you.

ON THE BOAT! 
P.S Please be Safe at all times! Try at your own risk.
30 minutes ang byahe sa bangka papunta sa Brgy. Baybay. Dito niyo lang makikita ang Basketball Court na nasa tubig. Since may mga kasama kaming kilala ang lugar eh nag on the go kami at dahil ma ulan eh sobrang potik, parang love mapapamura ka. 
After 5 mins of trecking at hero na kami sa Baybay Falls. 
 

Hindi gaanong kalakihan pero maganda at malakas ang tubig niya. May mga tambayan sa gilid ng falls at hindi gaanong kalaliman! Dito na rin nag lunch ang iba at dahil umuulan eh basang basa kami! 

Kahit po hindi gaanong kalaliman ang falls na ito ay mag ingat parin since mabato at madulas ang lugar! ENJOY! After 30 minutes of Photo-Ops at swimming ay bumalik na rin kami sa bangka papunta sa Itbug Falls. NEXT SPOT NA PO! BABYE BAYBAY (hihi)

15 minutes Boat Ride ay makakarating na sa Brgy. Itbog. medyo malayo layo ang trecking pero keri lang lalo na pag hindi umuulan! 



INSIDE AND OUTSIDE VIEW

OH YEAH. Sorry if wala akong mahanap na picture ng daungan papunta sa Itbug Falls hihi
FOR SURE ALAM NAMAN NG BANGKERO PAPUNTA DUN!
Wala din po palang picture ng paglalakad namin sa putikan papunta sa falls almost 15 minutes na treck po.

Malapit na!

AND YES! ITO NA PO ANG MAJESTIC ITBUG FALLS NG BUHI!

PICTURE PICTURE DAHIL sa wakas! Napuntahan ko na ang Falls na ito!

Wala mang jumping spot o malalim na part eh sulit na sulit naman ang place! Ang ganda sa boung paligid! Talagang basa kung basa! Ang lakas ng bagsak ng tubig! Wagas ang place!

P.S. LAGING MAG INGAT! MADULAS ANG LUGAR AT ANG DAMING BATO!

Dahil medyo alanganin na ay umuwi na kami! Pagod na pagod at umiiyak akong umuwi sapagkat mamimiss ko ang Itbug Falls! Haist.. babalik ako dito at sana ay maraming sumama parin para ma appreciate din ninyo ang ganda ng ating inang Kalikasan!

WALA NA PONG PICTURE DAHIL BUSY AKO UMIYAK PAUWI! (joke lang)

Salamat po sa lahat ng photographer na kasama ko at sa mga click lang ng click!
 esp. to my friend, Ms. Rose Regalado (She's for hire -Freelance Photographer)

SALAMAT KUYS RAYMARK!
SALAMAT SA RINCONADA!

TARA NA? 
SINO SASAMA? 


For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

Sunday, January 17, 2016

Mt. Isarog (Panicuason Trail)

 (Top-Left)Acee, Albert, Malone, Leonel, Innah, Dobie, Ken, Rey, Ghil, Vener,
(Bottom-Left) Rose, Michael, Roger, Chia, Brian, Michael)
HOW TO CLIMB: 
  • Secure permit from City Environment and Natural Resources Office.
    • Write a letter to the CENRO Office addressing to Mr. Oscar Orozco.
  • Hire a guide (Pref. MIGs member) Contact Sir Jeffrey Sinfuego 09460961961
  • Prepare and Game!
HOW MUCH TO PAY/FEES: 
ENRO Visitor's Fee; P100.00
Entrance Fee: P10.00
Guide Fee: P550.00 

0400 -Meet up at Plaza Rizal Naga
Medyo na late kasi may mga late.

Park ng sasakyan sa GSP, Panicuason. Warp-Up papuntang Mt. Isarog Natural Park

ETA 0600 -Jump Off. Magsisimula kang umibig
Meet-up with Sir Dom (Our Guide)
Since madami dami din ang nang indian kaya 16 nalang ang dating 21.

0615 -Start Treck Nag first step kana kaya Go mo na! 
Ang pinaka plano ay may 3 team since hindi na nakompleto ang team 1 eh sinunod nalang namin ang formation ng tatlong guide, isa sa leadpack, midpack at sweeper. Relax pa galing sa Jump Off to Camp 1

0715 CAMP 1 Medyo relax ka muna pero alam mo medyo malayo ka pa kaya sige lang
Malayo ang Camp 1 sa Jump Off pero may water source po dito. (Sila lang po nag picture sa Camp 1)

Eto na po ang rope section na sinasabi nila, para sa newbies eh kailangan talaga ng rope pero kayang kaya naman talaga pero since safety first, may dalang rope ang guide. (Sabihan ang guide kung pwede makisuyo ng rope)

0815 CAMP 2 Pahinga ka muna baka ma-ubos yung sarili mo dahil binigay mo lahat sakanya
Chill lang muna at medyo hindi pa madugo

0920 CAMP Ang camp 2-4 ay parang pag-ibig, mahirap pero worth it.
bago ka maka-rating sa camp na ito ay puro ahon o paakyat. Talagang di'mo maiwasang hindi gumapang.

Kulitan pa!!!


1030 CAMP 4 Parang pag-ibig, Kailangan mong mag hold on! Kapit ka muna hanggang kaya pa
Ang pinaka assault pa puntang summit may water source din po dito at maganda ang spot for camping. Dito kadalasang nag cacamp ang mountaineers.

Medyo may mga nakakalitong area papuntang summit at para di mawala eh puro kanan lang ang trail na papasukin niyo. Mountaineer is ALWAYS RIGHT!
Kaunting pangpagana sa mga climbers.

1245 SUMMIT BABY Pagkatapos ng lahat heto kanang kasama siya!
at dahil na una ang lead pack ay madami silang clearing. Dumatin ang iba halos 1 na.
YUNG VIEW MUNA NG SUMMIT! at kitang-kita ang Mayon!



KODAK MOMENTS and PHOTO OPS with our NEW TARP!



0215 START DESCEND 
Medyo wala ng pictures kasi hinahabol na ang oras. Teams ng pababa
(n) -newbie (e)-experienced
Team 1 -Guide, AC (n), Albert (n), Leonel (n), Ghil (e), Rey (e) ;nag paiwan ang guide sa camp 2 at sumundo sa team 4 sa taas.
Team 2 -Innah (n), Vener (e)
Team 3 -Malone (e), Ken (n), Rose (n), Dobie (n)
Team 4 -Roger (e), Michael1 (n), Chia (n), Michael2 (n), Brian (n)

Medyo dumidilim na at hinahabol namin ang oras yung team 3 nalang ang nakapag selfie habang nagpapahinga.

1820 JUMP OFF Ang team 1 at 2 ay nakaabot sa Jump Off.
1900 ROPE SECTION ang team 3 ay tumawag na ng rescue kasi kulang sa ilaw at may putok tuhod pa kaya humingi na ng tulong sa MIGs at GEO dahil kulang sa ilaw.
1920 CAMP 2 Sinundo na ng isang MIGs ang Team 4 dahil nag muscle cramps na ang isa at kulang din sa ilaw. Nagpang abot na rin ang GEO sa team 4.

2045 JUMP OFF na ang TEAM 3 with Sir Roger dahil madami ng tulong ang dumating kaya sumabay na siya sa isang GEO na sumundo sa kanila
2115 JUMP OFF NA LAHAT! 

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA Mt. Isarog Guardians at Greenearths Enviromentalist & Outdoor Club na tumulong sa amin. Sa dalawang head Sir Jeff and 2-6! Salamat po! I salute you!

Bukod sa experience ay napakadaming learnings ko po as an organizer ng climbs and I will always remember those things na sinabi  niyo sa akin. 

ALWAYS PREPARE MORE!

SALAMAT SA NEWBIES and sa TUKADDERS!

MARAMING MARAMING SALAMAT SA CLIMB NA ITO! Kompleto! SULIT!


SIMULA PALANG NG TAON ay EXTREME NA ANG LASKWATCHA KO!!! TARA JOIN US!!!

SINO SASAMA? 

Kung sa pababa ay iwanan ka niya atleast nalaman mo kung pano umibig at alam mo kung paano ka mag sisimula ulit! 




For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...