Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Tuesday, May 7, 2013

Albay Trip 2 (May 4 & 5, 2012)

Day 1

Maagang-maaga ako nag asikaso papuntang Legazpi dahil matagal na namin tong plano ni Ate Jenny almost 3 days na since napag-usapan namin ito. Hindi nanaman ako natulog hindi dahil excited ako kundi alam kong hindi ako magigising ng maaga kaya as usual same technique din. Habang nag aabang ako ng sasakyan papuntang Naga ng bandang 5:30am ay naka pulot ako ng P500.00. Isang oras na biyahe papuntang Naga dahil wala pa gaanong pasahero kaya matulin na matulin ang Jeep. Pag dating ko ng Naga ng bandang 6:30am ay sumakay agad ako ng Van papuntang Legazpi at as usual hindi nag bago ang presyo ng pamasahe P140.00 padin.

Tulog ako sa biyahe pero dahil ihing-ihi nako bandang Polangui palang ay gising nako at pilit nag coconcentrate na hindi muna bumuhos ang bugso ng aking damdamin. Bandang 9:45 nako nakarating at nag-aantay na si Bespren sa kanto ng Aquinas. Doon nako sa kanila kumain ng pananghalian sa kanila habang inaantay si Doc. Jenny. Dahil sa butihing ina at ama ni Bespren ay nag karuon kami ng istant place to stay na dapat sana ay maghahanap palang kami ni bespren kaya maaga ako pumuntang Legazpi. Habang nag hihintay kay Doc ay naka tulog ako hanggang 12:30pm na at bigla siyang nag text na nasa McDo siya sa Gaisano.




Nag lunch siya dahil gutom na gutom siya sa napaka habang biyahe at inalok namin siyang i try ang Sili Ice Cream...

http://sinosasama.blogspot.com/2013/05/sili-malunggay-tinutong-baileys-ice.html

Bumili kami ng snackan sa Gaisano at nag antay ng kaunting oras dahil nag chacharge ng phone si Ate Jenny sa halagang P20.00 ang full charge.

Tumungo kami sa Cagsawa Ruins at halos kalahating oras ang biyahe sa P14.00 kada isa. Bumaba kami sa kanto ng papuntang Cagsawa Ruins at sumakay kami ng tricycle sa halagang P8.00 ang isa.

Bulaga! 
Haha! 3 towers! (joke)
Si Bespren sa Ruins


Maraming mga Souvenir shops dun at napakaraming pag pipilian. Meron ding mga Photographer na ang bayad ay abot-abot lang kahit ilan ibigay mo pero mas maganda po kung may baun kayong pagkain dahil noong pag bili namin ng Royal na 1.5 ay P60.00 ang presyo!

Souvenir Shopping @Cagsawa

Magayon ka padin Mayon kahit anong manyari


At sino kasama namin dun... Si KUYA TONYPET!  POPTALK

poptalk sa Bicol! 

Dinaanan na din namin ang Daraga Church at WOW! nag dasal si Doc sa loob. Ngayon ko lang napinsin tong History ng Daraga Church.




History ng Daraga Church


Bandang 5:00pm na kami pumunta na centro dahil nga balak naming magpagabi sa Boulevard. Nag ikot-ikot kami sa EMBARCADERO at ang nasabi lang ni Ate Jenny ay "Hindi naman pala siya kalakihan kasi sa picture parang ang laki at ang ganda". Pumasok siya sa Bicol Shirt City para bumili ng souvenir at naglakad lakad na kami sa Embarcadero. Saktong sakto ang oras para mag lakad-lakad sa boulevard. Dahil medhyo pagod na din kami doun na nalang kami sa unahang banda ng boulevard na medyo marami ang tao pero marami ding mga nagtitinda.



Takatang
Boulevard
                           
EGYPT

NIGHTLIFE in LEGAZPI!!! 
   

Ang naka pa windang sakin! Moving Fish Shop!
Kumain kami ng dinner sa Gaisano ulit dahil late na din at guess who kung sino nakita ko! ang aking butihing kaibigan na si Ms Jazmin Asence!!! HIHI :3 at inexpect niya daw pala talaga na magkikita kami.

Jazmin Asence @Gaisano

Umuwi kami bandang 9:00pm ng gabi at kaunting oras na tambay sa rooftop nila bespren ay natulog na kami dahil maaga pa kami para bukas sa pag akyat sa Lignon hill.

Day 2


Maagang maaga sila gumising at naligo! Ako! Syempre Hindi! ang sarap kayang matulog sa erkondichon! HAHA! Bandang 6:00am na kami naka punta sa Lignon at hinatid kami ni Tito sa paanan at wala pang entrance fee kaya lIbre-libre din pag my time!

Exercise early in the morning
very inspirational message! 

Picture taking trip lang kami sa taas dahil natutulog pa si Kuya na nagbabantay ay kumain muna kami ng Instant Noodles sa halagang P25.00 pero infernes and mura dahil inexpect ko ay medyo mataas ang patong. After ay uminom at kumain naman kami ng masarap na masarap na buko sa halagang P20.00 ang piraso na talagang masusulit mo dahil malaki ang buko.





AT LAST AFTER WAITING FOR ALMOST 2HOURS!!! ZIPLINE MODE! TeLED :D  NEXT TIME TAYO-TAYO NA DIN MAGKAKASAMA!



Nag SuperMan kami ni Doc sa halagang P350.00 each at meron ng isang picture pero may makukuha kapa sa site ng Lignon Hill Zipline. Nagsuot kami ng gear na sikip na sikip at kitang kita ang bundat kong tiyan. Pagkatapos ng ilang minutong pag aantay ay ito na... GAME!

SUPERMAN
SI Doc Jenny and nauna! hihi :D



After...

Dinaanan lang namin yung Japanese War Tunnel dahil naka sara pa ito.



Bandang 10:00am ay nag lunch na kami sa Gaisano dahil hahabulin pa ni Doc ang biyahe papuntang Viga kaya maaga siyang nag paalam kila tita and tito at ako naman ay hinatid ko pa si Bespren dahil hinaram ko lang siya sakanila for almost 2days. Umuwi na din ako ng Libmanan after.

McDonalds


SPECIAL THANKS TO Tita Jocelyn and Tito Benito Abelinde

ENJOY TALGA SA LEGAZPI!
SAMA KANA NEXT TIME HUH!
KAWA-KAWA NAMAN!

Monday, April 15, 2013

April 3-4, 2013 (ALBAY MADNESS prt2)

  2nd day ng Albay Madness Trip ay maaga kaming nagising kahit masasakitan pa ang katawan dahil sa pag akyat sa di kataasang Lignon Hill at pag lakad-lakad sa Penaranda Park.Kinulit na kinulit ko siya na mag paalam kay tita kung pwede kaming pumuntang Hoyop-Hoyopan Cave dahil maging siya ay hindi parin nakaka punta doon at pinag bigyan naman ni tita ang request ko provided na magiging safe ang trip namin. Kahit maaga nagising ay after lunch na kami umalis sa bahay nila Bespren dahil nag lunch kami kasama si Cecile, bestfriend niya simula HS.

Bandang 1:30 na kami nag simulang lumakad papuntang Hoyop-Hoyopan Cave. Sumakay kami ng byahen Daraga sa halagang P8.00/head at sa byahe ay nadaan namin ang Bicol University at ang Camp Ola na madalas kong napupuntahan dahil lagi akong sinasama ng aking ama sa tuwing pupunta siyang Legazpi. Mainit na mainit ang panahon subalit hindi ko ininda dahil alam ko na sa oras na nakasakay na kami ng jeep at byumahe na ay mararamdaman ko na ang preskong hangin ng Legazpi. Nag antay kami ng 5 minuto upang maka sakay papuntang Camalig na akala ko'y malapit lang ay malayo pala at halos 15minutes ang byahe at P15.00 each. Dahil pareho kaming walang alam kung paano pumunta doon ay nag sabi nalang ako kay kuya na ibaba nalang kami sa byahe papuntang Hoyop-Hoyopan cave.

Kinontrata kami ni Kuya ng P250.00 daw at arkilado na namin siya at handa siyang mag antay ng boung hapon. Namahalan naman ako at tinanong ko kung meron pa bang ibang choices, sa halagang P100.00 ay arkilado namin siya dahil lima ang sakay ng tricycle niya at P20.00/head ang pamase papunta lang doon at pwede ring mag jeep na P20.00 rin at mag aantay padaw dahil punuan ang alis ng jeep at maglalakad paraw na para sa aking ay ayos lang sana kung hindi kami gipit sa oras. Kinuha ko na yung 1 way papuntang Cave at itatancha ko nalang kung anung mas mabuti para sa trip namin. Naintindihan ko na kung bakit mahal ang pamasahe papunta sa aming distenasyon dahil sa bukod sa layo nito sa kabihasnan ay taas at baba ang byahe pero sulit din dahil masyadong ma presko ang daan. halos kalahating oras din ang byahe kaya mahaba habang laban sa antok ang aking kinaharap. Sabi ni kuya ay kung meron daw sasakyan ay mahal daw ang Parking Fee doon dahil ginawa naraw iyong negosyo ng mga naninirahan malapit sa kweba.

May mga paalis na turista kaming naabutan sa entrance. Sa halagang P20.00/head ay pwede kanang maka pasok sa kweba providing na may ilaw ka dahil naka off ang ilaw doon kung hindi ang P300.00 package deal nila ang kukunin niyo. Sa halagang P300 ay meron ng ilaw, facts and info, tour guide at libreng entrance kahit ilan kayong tropa na pupunta. Syempre dahil safety first ang dapat i consider ay kinuha ko na yong 300 package.

Ang Hoyop-Hoyopan daw ay galing sa salitang Hoyop na ang ibig sabihin ay ihip sa Filipino. Maririnig mo na parang may umiihip sa kweba dahil sa hangin. Good choice ang pag kuha ko sa package dahil na iimagine ko ang dilim kung walang ilaw at bukod sa hindi ako makikita baka madapa ang aking kasama na medyo hindi gumagana ang isip (joke lang). Dapat pala dito ay gumaganang maiigi ang iyong imahinasyon para ma appreciate mo ang stalagmite at stalactite formation. Dahil ayaw kong magkwento masyado kung anong meron dito ay hindi ko talga ikwekwento! kaunting picture lang para ma inganyo kayong pumunta at syempre dapat kasama ako! Napakaraming formation at may apat palang pinto ang Hoyop-Hoyopan Cave pero ang Door 2 ang pinaka gusto ko dahil para kang nasa tapat ng Aircon dahil sa lamig at lakas ng hangin.

Sample ng mga makikita at ma eexperience niyo! Syempre mas maganda kung kayo mismo ang pupunta! KASAMA AKO!

Syempre yung CAVE nga pinuntahan eh! Dapat may Picture din

Kayo na ang mag husga! HAHAHA

Bats! and tinatawag yang Holy Trinity dahil dun sa 3ng hole! 


Ang Sikat na DANCE FLOOR na gingawa daw noong panahon ni Marcos! YOU CAN'T STOP  the PARTY PEOPLE! 
Sinamahan ko yung bespren ko sa place of Origin Niya! HAHAHA
    Marami ring souvenirs na pwedeng mabili sa entrance ng cave at gawa ito sa mga minerals na makikita sa kweba. Handmade lang iyon ng mga taga roon pero magaganda ito subalit sorry dahil hindi ko tinanong ang price.

Bago umuwi ay bumisita kami sa Daraga Church na inakyat pa namin at masyadong nahirapan si Bespren pero ako, Chillax na chillax lang. Inabutan namin na merong nag papainting para sa new wall decoration ng simbahan.


For more info about Daraga Church: http://www.markmaranga.com/daraga-church-our-lady-of-the-gate-parish-church/

Kaunting pahinga at picture2 ay bumabaa na kami at naisipan kong mag meryenda dahil alam kung gutom na gutom na ang aking kasama. Syempre!! JOLLIBEE!! at humingi ako ng paper bag mula sa jollibee dahil ako ay masyadong na ignorant dahil naka papaer bag na sila.
Kain-kain din sa Jollibee with may PABORIT! BURGER YUM! 

Kulitan habang pabalik ng Legazpi

bandang alas singko na kami naka balik sa Legazpi at dahil kailangan ko ng umuwi, nag ayos lang ako at tumungo na kami sa Bus Terminal upang maabotan ko pa ang last trip. Kaunting minutong pag paalam sa aking Bespren ay sumakay nadin ako at magagabihan na naman siya pauwi. Akalain niyo yun P130.00 lang ang pamasahe sa Bus papuntang Naga subalit nag tagal ng 2:30 hours ang byahe ko pero sulit naman dahil bukod sa Aircon na parang exhaust dahil mainit ang nilalabas at comfortable chair ang para sa 3ng tao ay nagiging apat. Na realize ko na kung aircon bus ay mag van nalang.
Mapresko, malinis at masaya sa Albay dahil hindi pa dominated ng Buildings ang lugar at balance na balance ang nature.

Meron paraw ATV ride doon at sa sunod ay sana ma experience ko na ang other activity doon.

SALAMAT sa Sponsor kong si Doc. Jenny Young at kay Tita na pumayag na mag stay ako sa kanila at syempre sa aking mga KASAMA... To Agnes Abelinde my Bespren, Cecile, Vane, Eila, Tin at Angelie.
Kung gusto niyong pumunta sa Albay kasama ako! Contact me! Hindi lang laughtrip, roadtrip at kahit na anong trip ang ma eexperience niyo! Anu pa! SAMA NA!




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...