Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Saturday, May 2, 2015

TUKAD: Assault to Mt. Asog -Summit (Day 2)

1,140+ MASL (Kuya Nino,Mlne,Ate Kha, Ate Ghil and Tito Kools
0400 dapat kami mag a-assault pero parang napasarap masyado ang tulog kaya...

0500 WAKE WAKE UP... Ang pang gising ni Kuya Lord habang ng iikot sa mga tent!
OH YEAH! Walang kain-kain to! ASSUALT AGAD! I-tatry sana naming abutan ang sunrise pero we are too late...
Unti unti ng lumiliwanag ang daan at nawawala ang lamig ng hamog.

0600 (approx) Nakarating kami sa CAMPSITE! ganda pala talaga ng Spot dun.
OH YEAH! BALIK NA SA PAG-AKYAT! Aabutin kami ng tanghali eh!

Medyo mossy sa taas at maraming bonus points na wild berries sa taas kaya exciting umakyat



0730 na kami nakarating sa summit! Ang sarap talaga sa feeling... Maraming mga pole na naka tayo sa taas at sabi ni Kuya Raymark... "Maaring maging sanhi ito ng pag soil erode at unti-unting masisira ang lupa sa taas dahil sa paghukay sa lupa"
                     


Habang nag sasaya kami ay mataimtim na nag gi-greet si Ate Ghil sa kanyang ama at natutulog naman ang dakilang si Kuya Raymark.


Maganda ang peak at talagang makikita sa taas na pwedeng-pwedeng mag traverse! Nag kodak moments at naglakad lakad pa sila Tito Kools, Ate Kha at Kuya Nino sa peak na para bang ang baba ng inaapakan nila!







Hindi nga lang kami binigyan ng 360 clearing dahil kasama namin si Kuya Nino pero sulit na sulit na sa tuwing iihip ang hangin at mag papasilip ang Buhi Lake at ang Crater. Makikita rin ang pag galaw ng Fogs dahil sa biglaang ihip ng hangin.


Sad to say ay kung kami ay umakyat dapat din kaming bumaba kahit pa ang ganda-ganda sa taas.
Inulan kami ng kaunti dahil love na love kami ng Asog kaya medyo pinutikan niya ang daan!

TOUCHDOWN sa E-Camp Site! Nag aantay na ang masarap na masarap na menu ni Kuya Lord kaya sulit na sulit ang kain!Si Kuya Lord ang Chef Boy Logro ng Bundok! haha EMPAKE MODE NA! huhu. tuluyan na kaming ba-baba.


1200 BUKO MODE MUNA! hahaha. Wala ng tubig ang lahat! Kaya talagang uhaw na uhaw na kami. B-U-K-O pls...


1230 JUMP OFF na po kami! ICE Candy mode at nakipag laro ako sa ating mga kapatid na Ita ng basketbol ng kaunting oras.

Tricycle na naman pa-uwi sa bahay nila Kuya Raymark pero yung iba ay duretso pa sa sentro kahit madudungis na para bumili ng tsinelas.
Nag ayos lang ng mga sarili bago umuwi kasi nakakahiya sa mga makakatabi sa sasakyan.

UWIAN NA sa NAGA! 
pamasahe po sa Van is P59.00 (Iriga-Naga VV)

MARAMING MARAMING SALAMAT PO MT. ASOG! 
Maraming Salamat po Iriga CIty
Maraming Salamat po sa mga kasama ko! 

SA UULITIN!!! TRAVERSE NAMAN!!!


here for more PHOTOS!!! 




here for NEWS & EVENTS!!! 



here for DAY 1!
 Mt. Asog's Crater and E-Camp


 "Simula sa pag plan at pag secure ng permit, feeling ko lahat nag fall into place ta dahil matagal ko na pinag isipan kung paano ko maiexperience ang Mt. Asog till naisipan ko mag post sa fb para makahanap ng taga oon.. Gang nag pm sakin an isa sa former student ko na nasa US, excited sya and nirefer nya ko sa friend nya na taga LGU ng Iriga at mga tao sa Tourism Office-- excited ako sapagsecure ng permit-- and gang sa naka set na lahat; umaga ng May 1 sa terminal pa lang iniisi ko na kung paano tayo makaka Iriga ng maaga-- late pero panalo at nag commenced ang climb na di pa mainit- lahat ng experience ko sa climb e binigay ng Mt. Asog-- ang ganda ng Esplana, nakilala ko si Sarikaw, nakakita ng Rafflesia Pygmea at higit sa lahat nakadungaw sa crater rim na lalong nagpa excite sakin sa pagbaba ng crater-- lahat yun gang pagbalik pataas ay fun, saya.. Super! Nakakuha pa tayo ng pahinga sa bahay nila RayMark, then to Ilian-- ang sarap ng fresh buko sa mainit na panahon-- dahil equivalent na sa isang climb yung baba akyat natin sa crater-- at inclined pa ang Ilian- napagod na ko talaga kaya feel ko need na ang e camp sa ayaw nyo sa gusto nyo-- hahaha otherwise willing din ako na magpaiwan muna at mag eecamp ako-- haha ang sarap sa feeling nung gabi na nagkatipon tayo at nagkaroon ng sharing-- panalo yun promise! Then syempre ang ganda ng peak, muli nagparamdam ang langit, iba ang feeling sobrang sulit! Habang bumababa tayo nag iisip agad ako na masarap ulit ulitin ang Iriga climb dahil malapit lang at higit sa lahat dahil masaya ang experience sa mga bata pa at punong puno pa ng energy sa katatawanan-- super grateful ako kay Raymark at kay Lord at sa inyong lahat-- taus puso ang aking pasasalamat-- madami pa, pero walang tamang words para mabigyan ng tamang storya ang crater to peak climb natin-- kasi nasa sistema ko na yun at kailangan maexperience ulit sa sunod na panahon-- gusto ko mahawakan si Sarikaw, maexperience ang traverse at maging regular saking pag ayat taon taon ang Asog-- " -Roger Magdaraog



Mt. Asog Climb,., may 1-2, 2015,.,Songname: "peponi" which means "paradise"to malone: dont worry bout being tambay bro, nakakasama ka pa samin, continue the blog thing, continue being a good person bro, and it will all fall into place,.,from the start of the video u can hear me say "haup na ido ni, rapaduhon taka kani(refering to my gopro monopod)"haha
Posted by NiƱoJad Pahug Ta Malipot on Sunday, May 3, 2015

Friday, May 1, 2015

TUKAD: Mt. Asog-Crater (Pasto-Esplana Trail) Day 1

TUKKADERS at the Crater
On the Go na naman po ang TUKKADERS and this time is sa Iriga naman po kami for our Mt. Asog Climb (Crater & Peak). 8 po ang sure and sad to say is umuwi rin ang dalawa sa first day namin sa Iriga. Hindi mawawala si Tito Kools (Sir Roger), Kuya Nino, Ate Dhadha and Ate Roz at sa new katropa namin na sila Ate Kha and Ate Ghil at idagdag pa natin ang new kabagang na si Kuya Raymark and Kuya Lord.

0400 ALL SET na ang Lahat sa CBD Terminal kasi daw sabi sa natanungan namin dito ay 5am ang First Trip going to Iriga pero sad to say ay WALA PA PONG BUS HANGGANG 5am. Kaya nagdecide si Tito Kools na mag Taxi nalang going to Iriga City.

0600 ETA at Iriga Terminal. Sinundo agad kami ni Kuya Lord and sakto din ang datin ni Ate Ghil kaya deretso agad kami sa Bahay daw nila Kuya Raymark para iwan ang ibang gamit since daypack lang ang dadalhin going to Crater.

0618 ETA at Jump Off a approx 15minutes Tricycle ride from City Proper to Brgy. Santiago. Medyo malayo layo ang lalakarin para makarating sa mismong paa ng Jump off kaya mas mabuti po na maganda pa ang kalagayan ng tricycle na irerent niyo.
LET'S GET IT ON!!!!
Start! Kaunting Tawanan at Kulitan paakyat... Joke Time.. Anong Hayop ang laging na-uuntog??? ASO--- DOG! HAHAHA!


Maganda ang Trail papataas and relax lang kaya yakang-yaka. 30 minutes na lakad ay makikita niyo ang batong... SARIKAW.
Accordng to our guide, Kuya Raymark is sinumpa raw si Sarikaw kaya naging bato kasama ang aso niya. Makikita rin po si Sarikaw kasama ang kanyang aso sa isang munumento papasok sa Buhi(which is sa pinagpicture-an namin during our Buhi Trip).
CLICK HERE FOR THE STORY OF SARIKAW and his dog, BAGSIK.

CampSite of PASTO TRAIL! Ganda ng Spot!!!

RAFFLESIA SITE!!! 
 Rafflesia is a genus of parasitic flowering plants. It contains approximately 28 species (including four incompletely characterized species as recognized by Willem Meijer in 1997), all found in southeastern Asia, on IndonesiaMalaysiaThailand and the Philippines(wikipedia)


0820 -RIM! KODAK MOMENTS after ng mahabang habang lakaran and dahil nasa RIM na rin po kami!

0850 - OH YEAH! The Trail going to the Crater! (Medyo Delikado po)

REMEMBER: 

  • KAILANGAN PO NG PROPER SPACING
  • WAG HUMAWAK SA HINDI RELIABLE NA BRANCHES and other things. 
  • SUMIGAW KUNG MAY MAHUHULOG NA BATO o TAO?!! 
  • PAUNAHIN ANG GUIDE o NAKAKA-ALAM ng TRAIL (para if ever man mauuna silang mahulog! JK!) 
  • Para po sa mga gusto man enjoy!! TRY NIYO MAG SLIDE! Prames! Da best! Ang tawag ko na dun ay... TRAIL SLIDING! 




0930 -SARAP KUMAIN NG CRACKER SA CRATER! (funny) haha!
(Approx) OH YEAH! TATS DOWN!!! CRATER BABY!!! CRATER! 


Nagpahinga lang for almost 15 minutes ay umakyat na rin kami. Ganda ng tunog ng mga falling rocks!

DAGDAG KAALAMAN!!! 
HINDI PO PWEDENG GUMAWA NG STRAIGHT NA TRAIL PABABA DAHIL HINDI MAGTATAGAL AY MAG CA-CAUSE IYON NG SOIL EROSION PABABA SA CRATER! 


1100-1120 -LUNCH MODE sa RIM after naming umakyat galing sa Crater! Gutom mode na kasi po eh. Nag ra-rally na ang mga alaga ko! KAIN ng MARAMI!
"Bakit daw po pala pag hiker kadalasan ay matataba at hindi pumapayat sa pag hahike?"

1300 -Iriga Centro ulit na po kami para mag replenish and kunin ang lahat ng gamit. Matinding bakbakan na ito! *Umuwi na rin po si Ate Roz and Ate Dhadha.

1420 -Nasa jump off na po kami ng Ilian Trail (San Nicolas).
LET's GET IT ON VERSION 2.0!!! Madugo-dugo almost 2-3h na hike padaw po para makarating sa Camping Site na almost 1 hour nalang pag assault the next day!

HOOOO!!! PARANG HINDI NA KAYA!!!! PERO SIGE PA! PUSH PA! hihi! Yakang Yaka ito.

BUKO Mode po na sponsorship ng ating mga kapatid sa taas. Hindi po sila humingi ng kahit na anong kapalit sa buko na ibinigay nila sa amin pero syempre dahil mabait si Ate Ghil... binigyan niya parin ito kahit pang sigarilyo lang.. SARAP NG BUKO!!! 

1600 -Emergency Camp kasi wala ng mga lakas... Nagdecide na po si Tito Kools na mag E-Camp na...
LUTO MODE SA E-CAMP! Gandang kasama ng mga guides... Nag handa sila ng mga lulutuin para sa Sinigang and Adobo! Opo, tama! Adobo at Sinigang sa taas na bundok at there's more... may EMPI LIGHTS pa!



Socials for almost 2 hours... Kwentohan, Kulitan... Instant love life ni Ate Kha and Kuya Lord... hahaha! Sakto nga lang at naubos na rin ang Empi at maagang mag a-assault papuntang Peak bukas kaya...

LIGHTS OFF!!! Pahinga mode!

ABANGAN ANG DAY 2... +Bonus TUKADDERS Story...




Mt. Asog Climb,., may 1-2, 2015,.,Songname: "peponi" which means "paradise"to malone: dont worry bout being tambay bro, nakakasama ka pa samin, continue the blog thing, continue being a good person bro, and it will all fall into place,.,from the start of the video u can hear me say "haup na ido ni, rapaduhon taka kani(refering to my gopro monopod)"haha
Posted by NiƱoJad Pahug Ta Malipot on Sunday, May 3, 2015


 for MORE PHOTOS!!! 

for NEWS and EVENTS!!! Also.. Press the Like Button


for DAY 2
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...