Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Sunday, February 21, 2016

Tubigan Falls, Iriga

TUBIGAN FALLS

HOW TO GET THERE: 
  • From Naga City ride a bus/van going to Iriga City. -P59.00
  • Rent a habal-habal (door-to-door) going to Brgy. Tubigan  -P100.00 (approx)
    • You will be taking the diversion road going to Buhi.
    • *Ask him if he can wait for you because transportation is very limited in the area or you can ask him if he can accompany you.
  • HIRE A GUIDE (This is very important since there is no established trail going there) -P50.00(approx)
  • -Walk along the corn field. If you can see a alternate route going to the left side please follow that and the bamboo hand railings this will lead you to the falls only for 3 minutes. 

Since hindi ito nasali sa Chasing waterfalls namin ay sinadya ko nalang ito dahil sabi daw ng aming mga BSP friends eh pwede daw tumalon galing sa taas pero wala daw silang kakilala na ginawa na ito kaya I'M UP FOR THE CHALLENGE!



Napilitan po akong isama ang kaibigan kong si Guido Mella (jk lang!) Kasama ang aking mga Mountaineer friends from Iriga tinungo namin ang Tubigan Falls. Lahat kami ay naka motor kaya madaling madali ang pagpunta doon.  Maganda ang daan at talagang joy ride! 

After 15-30 minutes ay tumigil na kami sa barangay Tubigan at hindi halatang may falls doon kaya kung first timer ay mabuting mag tanong tanong. 

Naglakad kami sa gilid ng mga mais at nag ikot pa kami for almost 10 minutes para marating ang falls. Madulas ang mga bato at medyo liblib ang lugar pero so far, safe na safe pa naman!

Dumaan kami sa ilang parte ng tubig at medyo madulas talaga kaya mag ingat.

Ganda noh?

Andaming pwedeng gawin sa taas ng falls bago bumaba! 


Medyo risky ang pababa sa may paanan ng falls pero syempre tatahakin natin ang lahat ng daan.

Sabi ni Kuys Raymark wala pa daw siyang kakilalang tumalon galing sa taas! Tambay mode ang Rinconada Team.

AHA! Dahan dahan akong bumaba at naligo para makita ang paligid ng aking babagsakan kung sakaling tatalon ako galing sa taas. Malalim talaga at napakalakas ng alon. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya talagang ma ingat na maingat akong nag swimming. Medyo risky pero kaunting pilit pa at tatalon ako! HAHA Since ayaw nila kuys Raymark eh hindi ko pinagpilitan ang pag talon! 


Tara! uwian na! Daan daw muna kami sa ka-tukadders naming si Ate Ghil! Free lunch at tambay! 

MARAMING MARAMING SALAMAT MGA RINCONADA FRIENDS! 

Tara? Libutin natin ang Rinconada





For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

Sunday, February 14, 2016

Rinconada: Chasing Waterfalls



Dadayuhin at tutuklasin ang ilang talon/ waterfalls sa Rinconada. Apat sana ang target namin pero sa kasamaang palad tatlo lang ang aming napuntahan. Mixed group po kami ngayon since ako at si Sir Raymark Barredo ang nag organize neto.

Antipolo Falls, Baybay Falls at ang isa sa pinakasikat sa Bicol, Itbog Falls.

7:00 am Meet Up sa Iriga City which is naging 9:00 am dahil sa tagal ng Bus.

ANTIPOLO FALLS

Tama po. Wala po siyang tubig 
HOW TO GET THERE: 
  • From BAAO ride a habal-habal (door-to-door) going to Brgy. Antipolo (if in case not available ride a tricycle going to Brgy. Pugay then ride a habal-habal going to Antipolo) P30.00
  • 15 minutes treck going to Falls. Please ask for directions or kindly hire a guide going there. No established trail.


Yes after 15 minutes of canyoonering naratin na naman ang falls na tigang na tigang (siguro dahil sa sobrang init) pero napansin ko na din na parang walang tubig kasi talagang walang tubig sa dinaanan namin eh!

OOOPPSSS! hindi po yan ang Antipolo Falls! Hihi!

Dito po ang daan papunta sa Antipolo Falls! Hihii Kaunti lang po kami umakyat since wala po siyang tubig! Tigang na Tigang! Parang Enkanto Falls ng Libmanan! Nawawalan ng tubig pag mainit.

Hindi din po bwelo maligo since mababaw lang ang paligid at kahit daw may tubig ay dikit na dikit ito sa bato kaya parang shower lang ang dating ng Antipolo Falls. Sulit naman ang treck papunta dito since talagang ma chachallenge ka sa daan at kung saan ka tatalon o kakapit na bato.

Since walang tubig eh Let' Go Na! Next destination : Tubigan Falls

Papunta na sana kami sa Tubigan Falls pero biglaang... NASIRA ANG JEEP!

Almost 30 minutes kaming ang hintay para dumating ang isang jeep sunce na delay ang schedule ay nag pasya kami ni Kuya Raymark na hindi na dumaan sa Tubigan Falls at dumeretso na sa Buhi para sa dalawang falls.

Kahit ganoon ang nanyari eh HAPPY LANG! sa Daan na kami nag lunch kasi marami rami na din daw ang nagugutom!
After kumain eh Back on the Track na!

Papunta sa dalawang Falls dito kayo mag sisimula sa Buhi port dahil mag rerent kayo ng Bangka


BAYBAY FALLS & ITBUG/TWIN FALLS

HOW TO GET THERE: 
Pwede itong i combo! kaya halos same direction lang.
  • From Buhi Centro Proper you can just walk going to Buhi Port
  • Rent a boat/bangka going to Baybay and Itbug Falls. P800-P1000.00
  • 5 min. Treck from the Brgy. port going to Falls 
    • The way is not that established but you can hire a local to guide you (P20-50)
    • or you can just ask the Bangkero/ crew of the boat to accompany you.

ON THE BOAT! 
P.S Please be Safe at all times! Try at your own risk.
30 minutes ang byahe sa bangka papunta sa Brgy. Baybay. Dito niyo lang makikita ang Basketball Court na nasa tubig. Since may mga kasama kaming kilala ang lugar eh nag on the go kami at dahil ma ulan eh sobrang potik, parang love mapapamura ka. 
After 5 mins of trecking at hero na kami sa Baybay Falls. 
 

Hindi gaanong kalakihan pero maganda at malakas ang tubig niya. May mga tambayan sa gilid ng falls at hindi gaanong kalaliman! Dito na rin nag lunch ang iba at dahil umuulan eh basang basa kami! 

Kahit po hindi gaanong kalaliman ang falls na ito ay mag ingat parin since mabato at madulas ang lugar! ENJOY! After 30 minutes of Photo-Ops at swimming ay bumalik na rin kami sa bangka papunta sa Itbug Falls. NEXT SPOT NA PO! BABYE BAYBAY (hihi)

15 minutes Boat Ride ay makakarating na sa Brgy. Itbog. medyo malayo layo ang trecking pero keri lang lalo na pag hindi umuulan! 



INSIDE AND OUTSIDE VIEW

OH YEAH. Sorry if wala akong mahanap na picture ng daungan papunta sa Itbug Falls hihi
FOR SURE ALAM NAMAN NG BANGKERO PAPUNTA DUN!
Wala din po palang picture ng paglalakad namin sa putikan papunta sa falls almost 15 minutes na treck po.

Malapit na!

AND YES! ITO NA PO ANG MAJESTIC ITBUG FALLS NG BUHI!

PICTURE PICTURE DAHIL sa wakas! Napuntahan ko na ang Falls na ito!

Wala mang jumping spot o malalim na part eh sulit na sulit naman ang place! Ang ganda sa boung paligid! Talagang basa kung basa! Ang lakas ng bagsak ng tubig! Wagas ang place!

P.S. LAGING MAG INGAT! MADULAS ANG LUGAR AT ANG DAMING BATO!

Dahil medyo alanganin na ay umuwi na kami! Pagod na pagod at umiiyak akong umuwi sapagkat mamimiss ko ang Itbug Falls! Haist.. babalik ako dito at sana ay maraming sumama parin para ma appreciate din ninyo ang ganda ng ating inang Kalikasan!

WALA NA PONG PICTURE DAHIL BUSY AKO UMIYAK PAUWI! (joke lang)

Salamat po sa lahat ng photographer na kasama ko at sa mga click lang ng click!
 esp. to my friend, Ms. Rose Regalado (She's for hire -Freelance Photographer)

SALAMAT KUYS RAYMARK!
SALAMAT SA RINCONADA!

TARA NA? 
SINO SASAMA? 


For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!

Monday, November 2, 2015

Busay Falls, Calabanga

BUSAY FALLS
Tukadders Family

HOW TO GET THERE: 
  • Ride a jeep from Naga (Queborac Terminal) going to Calabanga -P30.00
  • Rent a habal-habal (door-to-door) going to Brgy. Harubay (20 km) -P100.00
    • *Ask him if he can wait for you because transportation is very limited in the area. 
  • HIRE A GUIDE (This is very important since there is no established trail going there) -P200.00 (APPROX)
  • -Walk along the rice field entering the forest (3 km). 

TAKE NOTE:
  • Wear a proper hiking/ trekking shoes/ sandals.
  • Trail is exposed, use any head protection.
  • The swimming area is shallow but please be cautious.
  • *There is a water source at the most left side portion.
Hindi masyadong kilala o dinadayo ang falls na ito sa Brgy. Harubay dahil malayo pa siya sa Calabanga Town Proper at medyo mahirap din ang trail papunta dahil sa maputik na daan.

Napag-usapan kung saan at kung kailan kaya pa rami ng parami ang sasama dahil matagal-tagal narin ng makapag laskwatcha. Swerte din kami sapagkat nakarating na si Kura Vener sa falls na ito sapagkat madalas daw nila itong puntahan tuwing nag babiking sila kaya siya na rin ang naging guide namin.

Pagkadating namin sa Calabanga dahil late na kami for almost 2 hours kakahintay sa terminal ng jeep ay nakarating din kami. Nag-aantay na yung mga early person saamin sa harap ng Church . Sumakay kami ng tricycle papunta sa Brgy. Harubay (Innexpect ko talagang hindi malayo) Mali pala ako. Almost 1 hour ang biyahe papunta dun (Well naka tricycle kami and puno kaya pag paakyat ay naglalakad kami) pero if habal-habal eh kaya naman atang 30 minutes makarating lang sa Jump Off.

Narating namin ang Brgy. Harubay ng maayos at may kaunting pang painit. Dumaan sana kami sa isang Brgy. Kagawad para magpaalam pero wala siya pagdating namin kaya tumuloy na kami.

Baba Taas na daanan at medyo maputik dahil kakatapos lang daw ng Enduro. Ang trail niya ay bukirin at walang problema sa daanan sadyang medyo maputik lang at naka tsinelas lang ako. Almost 1 hour din na treck pero hindi naman masyadong mataas.

Naririnig ko na ang tubig ng pakunti-konti kaya medyo na eexcite na ako habang na iistress dahil sa dulas ng tsinelas.

HETO NA! BUSAY! HARUBAY! (Ariba!!!)

BUSAY FALLS 

*Pwede pong umakyat sa taas pero mag-ingat! TRY AT YOUR OWN RISK pero para mas safe! Swimming nalang at kodak-kodak! May sample na pong mga posing pag punta niyo.

Lamig ng tubig. BRRRRRR parang Malabsay lang mas bihira nga lang itong bisitahin pero pansin narin sa lugar ang hindi maayos na pagtrato sa lugar.

Since dapat by lunch eh pauwi na kami. Umalis narin kami after 2 hours at balik sa paglalakad. Umulan pa papauwi. I sa summarize na netong video! Hindi na kasi makapag picture pauwi kasi umuulan na!


Busay / Harubay falls,., with TUKADDERS :)Roger Magdaraog x Allyssa Jane Jordan Saldivar x Mlne Sarcia x Roz Salvador x Myrtle Mae Supanga Sape x Judy Ann x Señorito Vener x DaNica Nudo Ojeñar x Shanne Barde x Xemb Munch x Raymond Nacario x Espiritu Eliazar Tarcilo
Posted by NiñoJad Pahug Ta Malipot on Sunday, November 1, 2015




Gustong gumala?
Mag-trekking o mag mountaineering?
Walang Kasama?!

SUMAMA KA SAMIN! BE A TUKKADERS!
JUST HIT THE CONTACT ME!

For NEWS and EVENTS Visit my Page and DON'T  FORGET TO hit the LIKE BUTTON!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...